Quantcast
Channel: Features – Pinoy Weekly
Viewing all 129 articles
Browse latest View live

Gabay ni Obispo Ramento

$
0
0

EDITOR’S NOTE: Isang dekada na ang nagdaan matapos paslangin si Obispo Alberto Ramento noong Oktubre 3, 2006. Para gunitain ito, inilalabas muli ng Pinoy Weekly ang ulat na ito na unang lumabas sa print edition noong Oktubre 18, 2006.

Bata pa lang si Aldos, tinuruan na siya ng amang si Alberto Ramento kung paano tuntunin ang daang pauwi. Minsan, tinedyer pa lamang siya, iniwan siya nito sa kung saan-saan sa Paco. Sinusubok siya kung kakayanin niyang makauwi nang mag-isa sa pambansang katedral ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa Taft Avenue. Ayon sa ama, sundan lamang ang tren ng Light Rail Transit (LRT), makakauwi siya.

“Ganoon siya,” kuwento ni Aldos, hinggil sa ama. “Hindi niya isinusubo sa amin kung ano ang gagawin namin. Basta itinuturo niya kung nasaan ang liwanag.  Bahala ka na kung paano iyon susundan.”

Ito ang pilosopiya ni Obispo Alberto Ramento sa pagpapalaki sa apat na anak. Hinayaan niyang piliin nila ang kani-kanyang daan sa buhay. Hinayaan niyang piliin ang kani-kaniyang eskuwelahan, ang kursong pag-aaralan. Si Aldos, hinayaan niyang magkahilig sa rock n’ roll at magpahaba ng buhok. “Basta ang bawal lang,” ani Aldos, “ang makasama o makatapak kami ng ibang tao.”

Pagtirik ng kandila matapos ang pamamaslang kay Obispo Ramento. <b>Arkibong Bayan</b>

Pagtirik ng kandila matapos ang pamamaslang kay Obispo Ramento. Arkibong Bayan

Sa pakikitungo sa iba, sa mga tagaparokya at nakakahalubilong tao, ganito rin si Obispo Ramento.

Alaala pa ni Aldos, ayaw na ayaw nitong manglimos ng pera sa mga batang kalsada. Bukod sa bawal sa batas, di niya alam kung saan mapupunta ang pera. Mas gusto niyang pakainin ang mga bata. Sa simbahan ni Obispo sa Lungsod Tarlac, na huli niyang destino, tanyag siya at ang kanyang asawa sa mga batang kalsada. Araw-araw, tumutungo ang mga ito sa simbahan para pakainin ni Obispo.

Maliit at luma na ang simbahan ng IFI sa Tarlac, laluna kung ikukumpara sa karatig na simbahang Katoliko sa plasa. Ngunit di ito nawawalan ng mga tao, nagsisimba man, batang kalsada, o maralitang araw-araw dumulog sa mabait na obispo.

Regular ang pagdulog ng mga manggagawa at magsasaka. Nang sumiklab ang welga sa Philippine Rabbit, nanguna si Obispo sa pagpapanawagan sa publiko na suportahan ang mga manggagawa.

“Naging bukas ang simbahan ni Obispo Ramento sa mga pagpupulong namin,” kuwento ni Lito, isa sa mga steward ng United Luisita Workers Union (ULWU), unyon ng mga manggagawang bukid sa asyenda. Nang pumutok ang welga sa asyenda, naging sanktuwaryo nila ang simbahang IFI. Pinangunahan ni Obispo ang pakikipagdiyalogo sa pamilya Cojuangco: Tugunan ang karaingan ng mga welgista, huwag silang dahasin.

Kuwento ni Crisanto Andaya, direktor ng ULWU, di lang lugar ang ibinigay ni Obispo sa kanila, kundi payo. Di dapat magmula sa mga welgista ang karahasan. Tulad ng pakikitungo niya sa mga anak – dahil parang anak ang turing ni Obispo sa mga manggagawang bukid, di niya ipinipilit kung ano ang palagay niya na dapat gawin ng mga welgista.

“Halos linggu-linggo, nagmimisa ang IFI sa piketlayn,” kuwento ni Boy Mendoza, steward ng Ulwu. Ani Boy, minsan, nagdala ng kaunting bigas sa piketlayn ang Obispo. Ang akala niya, kaunti lang ang nakawelga. Nagulat siya sa dami ng tao sa piketlayn. Agad siyang nanawagan sa mga taga-parokya na mag-abag ng mga gamit o pera para sa mga welgista.

Naaalala pa ni Crisanto ang pagkakataong lumapit sila sa Obispo. “Walang-wala kami. Humingi kami kay Obispo ng pambili ng gas at pagkain,” ani Crisanto. Nagkataong wala ring pera ang Obispo. Inilabas ni Obispo ang huling tatlong daan mula sa bulsa. “Ibinigay ang dalawandaan sa mga welgista at itinira ang sandaan para sa kanya,” ani Crisanto.

Nang pagbabarilin ang piketlayn ng mga manggagawang bukid at tagasuporta nito na ikinamatay ng pito noong Nobyembre 16, 2004, pinangunahan ni Obispo ang pagkondena.

Bata pa sina Aldos, aktibo na ang kanilang ama sa pagtataguyod ng karapatang pantao. Dati, nakilala siya sa pagtataguyod ng karapatang pantao sa mga pandaigdigang kumperensiya lamang.  Ngayon, dito na mismo sa Pilipinas..

Nitong nakaraang taon, pinili si Obispo bilang isa sa mga hukom ng Citizens’ Congress for Truth and Accountability. Lalo siyang naging tanyag, kasama ng mga high profile na personaheng tulad nina Hukom Romeo Capulong at dating Bise Presidente Teofisto Guingona Jr.

Habang tumatanyag, patuloy siya sa paglilingkod sa taumbayan. Isang linggo bago mamatay, pinayuhan at binigyan pa niya ng sanktuwaryo ang mga manggagawang  nagbabalak magwelga, ayon kay Gloria Galindo, presidente ng Unyon ng Manggagawa ng Blooming Apparel sa Tarlac.

Biruan pa nilang mag-ama ang panganib kay Obispo dulot ng pagiging lantad na kritiko ng gobyernong Arroyo. Nang makatanggap ang ama ng sunud-sunod na banta sa buhay, pansin ni Aldos ang pagiging balisa ni Obispo. “Madalas siyang makipagkulitan sa amin, pero noong araw na iyon, tahimik lang siya sa isang sulok.”

bishop-ramento-01

Obispo Ramento, sa isang press conference noong 2006. IFI

Alam ni Obispo Ramento na siya ang susunod na target ng pamamaslang sa mga aktibista. Dalawang linggo bago paslangin, dalawang beses nang pinasok ang kanyang simbahan sa Tarlac. Alas kuwatro ng umaga ng Oktubre 3, lumantad kay Obispo ang madugong panunupil na buong-buhay niyang nilabanan. Agad na iniulat ng pulisya na pagnanakaw ang dahilan ng krimen. Singsing, cellphone at pera sa pitaka umano ang ninakaw ng apat na suspek.

Pero mahirap maniwala rito si Aldos, at maging ang mga kapanalig na manggagawang bukid at maralita. Maraming tanong ang di nasasagot: Bakit nanakawan ang simbahan, gayong sa hitsura pa lamang nito ay walang mamahaling mananakaw doon? Bakit di kinuha ng magnanakaw ang iba pang aplayans sa simbahan? Bakit kinailangang saksakin pa ng pitong beses ang Obispo?

Sa mga tulad ni Crisanto na minsan nang dumulog sa Obispo, hindi kapani-paniwala ang pahayag ng pulisya. “Hindi na kailangang pasukin ang simbahan niya. Kasi, humingi ka lang sa kanya, bibigyan ka, pakakainin. Humingi na lang sana sila, kung totoong magnanakaw sila.”

Sa sariling imbestigasyong ginawa ng IFI, napag-alamang siniguro ng mga salarin na patay si Ramento bago siya iniwan.  Malamang, anila, di ito gawa ng mga magnanakaw.

Para kay Aldos, walang ibang may motibo kundi ang administrasyong Arroyo. Matagal na umano silang naghanda sa posibilidad na maging target ang ama, pero gimbal pa rin ang buong pamilya sa pangyayari. Anong bigat ng kanyang loob dahil si Obispo ay di na uuwi sa munting bahay nila sa Cavite. Di na niya makakabiruan at makakuwentuhan hinggil sa pulitika at musika. Di na makakasama sa paliligo sa beach, na sa totoo lang ay hindi resort kundi mga komunidad ng mangingisda.

Pero batid ni Aldos at ng pamilya Ramento na di lang sila ang nawalan ng ama. Sa burol ng Obispo, kapag sinasabi ng mga manggagawa, magsasaka, at maralita na nakikiramay sila sa pamilya, gusto niyang sabihin na  “lahat kayo, itinuring ng aking ama bilang sariling pamilya niya, ama nating lahat ang yumao.”

Naulila man sila, kaya ni Aldos, ng kanyang pamilya at lahat ng maralitang nakaugnay ng ama, na tuntunin ang sariling daan – salamat sa pamanang gabay ni Obispo Alberto Ramento.



Planong pagpawi sa mga dyip sa kalsada

$
0
0

Pinakakilala na pampublikong sasakyan ang mga dyip dito sa Pilipinas at marahil maging sa daigdig. Taglay ng dyip ang kultura ng mga Pilipino sa pagiging malikhain at mapamaraan.

Pero nagbabantang burahin ang sasakyang ito sa mga lansangan sa Pilipinas upang palitan ng mas “modernong” sasakyang pampasada. Sinimulan ng dating rehimeng Aquino sa Public Utility Jeepney Modernization Program ng Department of Transportation and Communication (DOTC), nais itong ilusot sa emergency powers ni Presidente Duterte na kasalukuyang ipinapanukala.

George San Mateo ng Piston: Pinagkakaisa ang mga tsuper at operator laban sa jeepney phaseout ng gobyerno. <b>Mayday Multimedia</b>

George San Mateo ng Piston: Pinagkakaisa ang mga tsuper at operator laban sa jeepney phaseout ng gobyerno. Mayday Multimedia

Biyaheng negosyo

Sinasabi ng DOTC na layunin nito na tiyakin ang road worthiness ng mga dyip at pagtugon sa pangangalaga sa kapaligiran dahil sa climate change.

Pero sa pagsusuri ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), lumalabas na malaking negosyo ito. At mabibiktima nito ang mga drayber at opereytor ng mahigit 400,000 dyip sa Pilipinas.

“Ang isang bagong dyip na sinasabi ng gobyerno ay naglalaro sa halagang P1.2- Milyon hanggang P1.6-M. Kung papalitan ang 400,000 dyip, ilang bilyong piso ang aabuting halaga nito? Sinu-sino ang kikita dito? Ang mga supplier, bangko, korap na mga nasa gobyerno,” ani George San Mateo, tagapangulo ng Piston.

Hindi katulad ng mga taxi, UV Express, at mga bus, hindi ginawa ang mga dyip sa mga pabrika, ina-assemble lang ang mga ito sa mga talyer. Kaya naman isa ito sa nakikita ng Piston kung bakit nais palitan ang mga dyip para pagkakitaan ng mga korporasyon.

Kung road worthiness lang ang pag-uusapan, maaari namang pagandahin ang mga dyip na kailangang ayusin at hindi lahat ng dyip ay kailangan palitan ng bago, dagdag ni San Mateo. “Kung tutuusin, sa sinasabi nilang road worthiness at environment concerns, puwedeng puwede ang rehabilitation imbes palitan ng bago ang mga dyip. Basta may government subsidy.”

Pigang-piga na ang sektor ng transportasyon partikular ang mga dyip sa iba’t ibang buwis. Magmula sa buwis sa langis, road users tax, franchise tax, at iba pa, “anong masama kung mag-subsidize naman? Hindi naman lahat may problema.”

Tinatayang aabot lamang umano sa 50,000 hanggang 100,000 ang mga dyip na kailangan i-rehabilitate.

Neoliberal na atake

Maliban sa pagkakitaan sa pagpapalit sa mga dyip, mas nais umanong gawing monopolyo ang operasyon ng transportasyon sa Pilipinas ng iilan partikular ang mga dyip.

“Tingin nila, hindi namamaksimisa ang tubo sa dyip kapag maliliit na operators ang nagmamay-ari. Kaya nais nila itong ipasok sa fleet management,” ani San Mateo.

Sa fleet management, magiging sentralisado ang operasyon. Malaking banta ito, dahil gagawin na lang nilang manggagawa ang mga drayber: Ipapasok sila sa sistemang kontraktuwal. Kapag nahuli ng pasok, kaltas sa sahod. Mas makapagdidikta rin umano ng mas mataas na pamasahe ang mga ito. Tiyak, tatamaan ang mga pasahero.

Sa pag-phase out ng mga dyip, hindi lamang umano lumang dyip ang pinapalitan, kundi yung katangian ng industriya. Wawalisin nito ang maliliit na operator, at kapag nawalis ang mga operator na ito at napalitan ng mga korporasyon, mawawalis na rin ang mga asosasyon.

“Parang union-busting din ang gagawin dahil matatanggal din ang mga asosasyon ng mga dyip. Hindi na poproblemahin ng gobyerno kapag makikipaglaban ang mga drayber sa taas-presyo ng langis. Isang paraan ito para mapigilan pagkilos ng mga drayber,” pagtatapos ni San Mateo.


 

‘Digmang bayan para sa kapayapaan’

$
0
0

DAVAO CITY — Sa isang buong araw, naging sentro ng atensiyon ng buong bansa ang isang dati’y tahimik na baryo sa distrito ng Paquibato sa naturang lungsod. Ito’y dahil sa bulubunduking lugar na ito ng isa sa pinakamalaking lungsod sa bansa, isinagawa ang isang pambansang asembleyang pangkapayapaan.

Kasabay nito, dito rin ipinagdiwang ang anibersaryo ng “tanging partido pulitikal sa buong bansa” (sabi ng maraming eksperto sa pulitikang Pilipino); ang partidong namumuno sa rebolusyong Pilipino ngayon: ang Communist Party of the Philippines (CPP), na itinatag 48 na ang nakararaan.

Tinatayang aabot sa 15,000 ang mga sibilyan, tagasuporta at kabahagi ng CPP ang lumahok sa buong-araw na pagtitipon noong Disyembre 26. Kasabay nito ang mga pagdiriwang din sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao at buong bansa. Pero sa Paquibato, nagmartsa, sa unang pagkakataon sa publiko, ang buong Pulang Bagani Batallion ng New People’s Army (NPA).

Ang imaheng ipinakita nila, imahen ng isang disiplinado, unipormado, makisig at masayang armadong puwersa ng rebolusyon.

Dumalo ang Pinoy Weekly at PinoyMedia Center sa pagtitipong ito, na nagsimula sa isang formation inspection sa Pulang Bagani Batallion bilang pagpupugay sa CPP. Ayon kay Porferio Tuna Jr., na kasama sa mga nanguna sa isinagawang formation inspection, “Nararapat lang nating pagpugayan at ipagbunyi ang mga pagsisikap at mga tagumpay na natamo ng ating Partido.”

Pero higit sa pagbubunyi sa lawak na inaabot ngayon ng rebolusyonaryong mga puwersa, okasyon ang asembleyang ito para mapag-usapan ang kalagayan ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP, na kumakatawan sa rebolusyonaryong mga puwersa na pinangungunahan ng CPP at nilalahukan ng NPA) at administrasyon ni Pangulong Duterte.

“Maraming ipinangako sa mga mamamayan si Pangulong Duterte…(S)a ganyang kalagayan, ang sarili nating lakas at pagsisikap ang magtutulak sa kanya upang tupdin ang kanyang mga pangako,” paliwanag ni Tuna.

At ganoon nga ang naging tono ng maghapong pagtitipon: ang bigyang-pugay ang rebolusyonaryong mga puwersa (pati na ang mga nag-alay ng buhay sa pakikibaka), habang hinaharap ang kasalukuyang kalagayan ng pakikipagnegosasyon sa isang presidente na galing mismo sa Davao City at minsan nang nagpakilala sa sarili bilang “maka-Kaliwang presidente” na kaibigan ng rebolusyon.

Bilang kinikilalang “kaibigan”, dumalo nga ang ilang pangungunang mga miyembro ng gabinete ni Duterte. Nasa odyens din ang mga miyembro ng panel ng gobyerno sa pakikipagnegosasyon sa NDFP, sa pangunguna ni Labor Sec. Silvestre Bello III.

Kaharap nila, na nagsagawa rin ng press conference sa lugar ng pagdiriwang, ang mga miyembro at konsultant ng NDFP na nakikipagnegosasyon sa gobyerno, sa pangunguna nina Luis Jalandoni (dating punong negosyador na ngayo’y senior adviser ng NDFP negotiating panel), Coni Ledesma, Tuna (konsultant na kumakatawan sa Mindanao), at iba pa.

Dumalo rin ang dating bilanggong pulitikal na pinalaya noong Agosto para makilahok sa peace talks–ang konsultant ng NDFP sa Visayas na si Concepcion “Concha” Araneta-Bocala. “Ang akala ng gobyerno ni Duterte na matapos na kami’y mapalaya, hihinto na kami sa pagkilos. Hindi kami titigil hangga’ t hindi nahaharap ang batayang mga usapin lalo na sa larangan ng socio-economic reforms na siyang salalayan o dahilan ng pakikipagrebolusyon,” paliwanag ni Araneta-Bocala.

Tulad noong nakaraan, inilinaw ni Jalandoni na handa ang NDFP na pag-aralan ang mga panukalang reporma ng rehimeng Duterte, kabilang ang itinutulak na sistemang pederal. “Kung ang federal system ay makakatulong sa mga mamamayan at gusto ito ng masa, maaaring maging bukas ang kilusan upang ito’y mapagaralan at matiyak na ang ganansiya ay para sa ikabubuti ng masang Pilipino,” paliwanag niya.

Gayunman, paliwanag ni Tuna, kailangang kilalanin ng gobyernong Duterte ang pagkakaroon ng hiwalay na rebolusyonaryong gobyerno sa Pilipinas na pinangungunahan ng NDFP. “Ang gobyerno ng masang api’y may sariling gobyerno, hukuman, sandatahan at kongkretong mga programa tulad ng rebolusyong agraryo (kabilang ang) pagpapamahagi ng lupa sa magsasaka, napapababa ang usura at kolektibong napapaunlad ang agrikultural na produksiyon,” ani Tuna.

May sarili umanong programa sa kalusugan, edukasyon, at iba pang serbisyong pangkalusugan ang NDFP sa kanayunan ng Pilipinas. “Kaya nating tumindig ayon sa sariling lakas kung kaya’t ano pa man ang marating ng peace talks ay handa tayong mga rebolusyonaryo,” sabi pa niya.

Paliwanag naman ni Eduardo Genelsa, kapwa konsultant ng NDFP sa Mindanao, may “sariling konteksto” ang rebolusyonaryong pakikibaka sa Mindanao. “Iniluwal ito ng mahabang karanasan at mahigpit na disiplina upang igpawan ang mga kahinaan. Sa matinding pagtraydor ng mga pasistang militar sa masa at kilusan nakayanan nitong tumayo at magpakahusay kapwa sa taktikal at estratehikong paglaban.”

Ibig sabihin, sa suporta ng mga mamamayan ng Mindanao, naitatag at naitaguyod sa kanayunan nito ang rebolusyonaryong gobyerno. Handa ang NPA, CPP at NDFP na palakasin at palawakin ang saklaw ng rebolusyonaryong gobyernong ito sa kapakanan ng mga mamamayan may usapang pangkapayapaan man o wala.

Sa naturang presscon, nakinig at dumalo ang ilan sa mga masa na tagasuporta ng rebolusyon. Naging pagkakataon na rin ito para iulat sa kanila ang kalagayan ng mga negosasyon, habang pinatitibay ang komitment para ipagpatuloy ang rebolusyon–may peace talks man o wala. Pero siyempre, malaki ang pagkilala nilang magandang pagkakataon ang usapang pangkapayapaan para maitulak ang rebolusyonaryong programa ng NDFP sa mga negosasyon para sa repormang sosyo-ekonomiko, at pulitikal-konstitusyonal.

Bago natapos ang araw, nagpailaw at nagpalipad ang ilang nagsidalo sa asembleya ng mga parol bilang simbolo ng hangaring kapayapaan batay sa hustisya. “People’ s War is for People’s Peace” ang tema ng pagtitipon, at malakas na naiparating ang mensaheng ito ng mga rebolusyonaryo sa mga nagsipagdalo at sa publiko na makakatunghay sa asembleyang ito sa pamamagitan ng midya.


Ilan sa larawan ng naturang pagtitipon:

Kuha ni <b>Cynthia Espiritu</b>

Kuha ni Iya Espiritu

img_0333

Kuha ni Lukan Villanueva

img_0312

Kuha ni Lukan Villanueva

img_0305

Kuha ni Lukan Villanueva

15725983_10154473933527886_506636161_o

Martsa sa pangunguna ng isang babaing kumander. Kuha ni Iya Espiritu

15725953_120300001310784608_1480950210_o

Kuha ni Iya Espiritu

15747997_120300001310209523_999437535_o

Kuha ni Iya Espiritu

15748207_120300001311980024_1822236091_o

Kuha ni Iya Espiritu

15748011_120300001303044392_921087300_o

Kuha ni Iya Espiritu

img_0346

Kuha ni Lukan Villanueva

img_0308

Kuha ni Lukan Villanueva

15776314_120300001316853094_2141550002_o

Kuha ni Iya Espiritu

15725679_10154473932657886_279179665_o

Sa presscon ng NDFP. Kuha ni Iya Espiritu

img_0393

Kuha ni Lukan Villanueva

15726127_10154473931597886_296700633_o

Luis Jalandoni ng NDFP Negotiating Panel. Kuha ni Iya Espiritu

15748136_10154473932962886_1168275609_o

Kuha ni Iya Espiritu

15748793_10154473932642886_695937872_o

Porferio Tuna Jr., (kanan) at Jalandoni. Kuha ni Iya Espiritu

img_0305

Kuha ni Lukan Villanueva

img_0425

Nagsalita si Labor Sec. Silvestre Bello III para siguruhin sa NDFP at mga tagasuporta nito na, diumano, tutupdin ni Pangulong Duterte ang pangako nitong pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. Kuha ni Lukan Villanueva

15776230_10154473932452886_1437584087_o

Sariwa sa alaala ng mga gerilya ng NPA si Leoncio “Ka Parago” Pitao, ang nasawing kumander ng Pulang Bagani. Kuha ni Iya Espiritu

img_0434

Kuha ni Lukan Villanueva

15776127_10154473932847886_1380142185_o

Pakikipag-selfie sa stand-in ni Ka Parago. Kuha ni Iya Espiritu

15778273_10154473931532886_491246617_o

Kuha ni Iya Espiritu

15748929_120300001302443892_1190143734_o

Kuha ni Iya Espiritu

15748797_120300001304281491_742600934_o-1

Kuha ni Iya Espiritu

15726131_120300001311565584_1929322499_o

Kuha ni Iya Espiritu


 

PW PRINT ISSUE | 15-14 (9 Abril 2017)

$
0
0

Magmula sa isyung ito, ia-upload namin ang PDF format ng print issue ng Pinoy Weekly. Maaaring basahin online, maaari ring i-download (mag-sign-in sa Issuu.com) at i-print sa standard, 8.5×11 in bond paper. Ipasa pagkabasa!

Bulaang balita sa gitna ng gera

$
0
0

Naging laman ng telebisyon, radyo, pahayagan, lalong lalo na sa social media ang gulong nangyayari sa Marawi City. Halos dalawang linggo na ang nakakaraan nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at ang tinatawag nilang mga “terorista” – ang grupong Maute. Sa nakalipas na dalawang linggong labanan, marami na ang nadamay, nasira at namatay.

Sa paglipas ng mga araw lalung lalo na sa Marawi, ang labana’y di lang sa pagitan ng mga may hawak na armas, nagiging sangkot na rin ang karamihan sa pag-usbong at paglaganap ng mga pekeng balita o fake news.

Paggamit sa peke

Naging malaking usapin ang pag-iral ng batas militar sa Marawi. May mga nagsasabing dapat lang ito para masugpo ang mga terorista. Mayroon namang nagsasabing labis ang paraang ito at magdudulot lang ng mas maraming paglabag sa karapatang pantao.

Malagim ang naging kasaysayan ng batas militar sa Pilipinas sa kamay ng mga militar. Kaya naman may kongkretong batayan ang pagtuligsa rito. Pero dahil may pangangailangang kumbinsihin ang marami at desperasyong maipalaganap ang pagpanig sa Martial Law, kumakalat ang fake news.

Marahil bago ang paglaganap ng fake news sa internet pero hindi ito bago sa panahon na nangyayari ngayon sa Marawi. Naging laganap na rin ang fake news kahit noong pang nakaraang eleksiyong 2016 at maging noong nakaraang administrasyon.

Para sa iba, nagiging paraan nila ang pagpapakalat ng gawa-gawang balita para kumbinsihin ang mga tao sa kanilang pag-sang-ayon, halimbawa sa Martial Law.

Isa sa inakusahang nagpapakalat ng fake news ang Philippine News Agency at ang Assistant Secretary ng Philippine Communications Operations Office (PCOO) na si Asec. Margaux “Mocha” Uson matapos nilang gamitin ang litrato ng mga sundalong Vietnamese. Inilabas ng ahensiya ang istorya na may pamagat na “Urban warfare a challenge for soldiers in Marawi”. Agad naman itong tinanggal ng nasabing ahensiya matapos mapuna ng mga netizen.

Ang pagkakamaling ito’y agad na nasundan matapos ibahagi ni Asec. Uson sa kanyang social media account ang litrato ng mga nakaluhod na sundalo habang nagdadasal na may paliwanag na “Let’s pray for our army. Panalangin din po natin ang mga pamilyang naiwan at nababahala sa kalagayan ng kanilang asawa at tatay.” Napag-alaman na ang litratong ito ay kuha sa Honduras at hindi sa Pilipinas.

Maging mapanuri at kritikal

Naging mabilis ang pagkalat ng impormasyon gawa ng internet. Ganoon din kabilis ang paglaganap ng maling impormasyon. Kung minsan, maging ang lehitimong midya pa nga at maging ahensiya ng gobyerno ang nakakapaglabas ng sarili nilang bersiyon ng “totoo” sa publiko.

Marahil hindi madaling pigilan ang paglikha at paglaganap ng fake news. Maraming nagiging biktima pa rin ng mga maling impormasyong ito kaya naman nakikitang epektibo ito ng iba.

Sa panahong laganap ang mga maling impormasyon, higit na kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga nababalitaan sa midya at sa internet. Walang ibang kalaban ang kasinungalingan kundi ang katotohanan.


 

Pinas, pinakamasahol sa obrero

$
0
0

Nangunguna na naman ang Pilipinas sa isang pandaigdigang listahan. Pero hindi ito sa kategoryang magugustuhan natin. Muli, isa tayo sa mga pinakamasasahol na bansa para sa mga manggagawa sa buong mundo.

Sa ika-apat na sunud-sunod na pagkakataon ngayong 2017, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalalang kalagayan ng mga manggagawa na nilagom sa taunang ITUC Global Rights Index mula sa pagsasaliksik ng International Trade Union Confederation (ITUC).

Ang ITUC ay isang pandaigdigang samahan ng mga unyon ng manggagawa sa buong mundo.

Hindi ito ikinagulat ng lokal na mga unyon ng mga manggagawa sa Pilipinas. Sila ang dugo at laman na nakakaranas sa mga datos sa ulat ng ITUC. Nariyan ang kontraktuwalisasyon, mababang sahod, pangit na mga kondisyon sa loob ng pagawaan, ang nararanasan ng isang pangkaraniwang manggagawang Pilipino. Kaliwa’t kanang paglabag sa mga karapatang pantao ang nakalap ng ITUC ang nagbigay ng mataas na puntos sa Pilipinas.

Kabilang sa mga naidokumento ng ITUC ang brutal na pag-atake ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kasama ang mga tinawag nilang “bayarang goons” sa isinasagawang piket ng mga manggagawa ng dambuhalang plantasyon ng saging na Shin Sun Tropical Fruit Corporation sa Compostela Valley, Mindanao kung saan kasalukuyang ipinapatupad ang batas militar. Labing-apat na lider ng unyon ang itinali nang parang mga hayop, ikinulong, at kinuwestiyon. Ang piket na noo’y dalawang buwan nang nakatayo ay nananawagan ng paghinto sa kontraktuwalisasyon, pagbubuwag ng mga unyon, at mas maayos na kondisyon para sa mga manggagawa.

“Noong Mayo 23, idineklara ni Pangulong Duterte ang batas militar sa Mindanao. Layunin umano nitong labanan ang terorismo. Pero buhat noon, ang batas militar ay nagagamit ng mga pasista sa kanyang administrasyon para kitilin ang lehitimo at makataong mga pakikibaka ng mga mamamayan gaya na lang ng nangyari sa mga nagpipiket na mangagagawa ng sagingan,” ani Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno o KMU.

Iba pang porma

Kalakhan sa mga naiulat na paglabag sa karapatan ng mga manggagawa’y may kinalaman sa unyong kinabibilangan ng mga biktima. Nariyan ang pananakot sa mga lider ng unyon na minsa’y umaabot pa sa karahasan tulad ng pagpaslang kay Edilberto Miralles, dating pangulo ng R&E Taxi Transport Union. Binaril si Miralles sa harap ng National Labour Relations Commission habang papunta ito sa isang pagdinig patungkol sa trabaho.

Ayon sa ITUC, malalang porma rin ng pagkitil sa karapatan ng mga manggagawa ang ilegal na pagbubuwag sa unyon sa porma ng diskriminasyon, pananakot na mawawalan ng trabaho ang sinumang magmimiyembro sa mga unyon, at pagbubuo ng mga “dilawang unyon” o mga bayarang pekeng unyon.

Alam ng mga employer ang lakas ng organisadong mga manggagawa sa paggiit ng kanilang mga karapatan. May kakayahan ang mga unyong maglatag ng kanilang kahingian sa Collective Bargaining Agreement, at malaki ang pananagutan sa batas ng employer na lalabag sa kasunduang ito.

Mas malakas kung sama-sama

Dahil dito, pilit pinupuntirya ng madadayang employer at iba pang may pansariling adyenda ang mga unyon dahil ito ang pinakapuso ng pakikibaka ng mga manggagawa. Gayumpaman, nagpapatuloy ang mga unyon sa layunin nitong kahit papaano’y gawing patas ang ugnayan ng employer sa kanyang manggagawa sa pamamagitan ng paggigiit ng mas mataas na sahod, at pagpapabuti sa kalagayan sa pagawaan.

Sa kabila ng lahat, dapat maunawaan ng mga manggagawa ang kanilang lakas: mas malakas ang mga manggagawa kung sama-sama nilang ipaglalaban ang kanilang karapatan. Wala ang mga pagawaan kung wala ang mga manggagawa, at sa loob nito, sila ang mapagpasya kung paralisado o tuloy ang trabaho.

Tigil-pasada, pagkakaisa ng madla

$
0
0

Hinubad na ng mga drayber ang suot na Du30 ballers, binakbak ang Du30 stickers na nakadikit sa harap ng kanilang mga jeepney, at, kasama ang mga komyuter, nagsagawa sila ng dalawang-araw na welga kontra phaseout ng mga jeepney sa buong bansa. At dahil sa mga pagmumura ni Pangulong Duterte sa kanila, nangako ang mga drayber na susundan pa nila ang mga tigil-pasada — baka maging buwanan na.

Sa kabila ng pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hindi gaanong maaapektuhan ng welgang jeepney ang kaayusan sa kalsada, tila aligaga ang Malakanyang na nagsuspinde ng pasok sa pampublikong mga opisina’t paaralan, maging sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Stock Exchange (PSE).

Sa pagtatapos ng dalawang-araw na tigil-pasada, inanunsiyo ni George San Mateo, tagapangulo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston): naparalisa ang aabot sa 90 porsiyento ng mga biyaheng jeepney sa buong bansa.

Sa pagdinig naman ng Kamara sa isyu ilang araw makaraan ang tigil-pasada, isa-isa nang nagsunuran ang iba pang grupong transport, tulad ng Stop&Go Coalition, at nagsabing susuporta sila sa susunod na mga tigil-pasada para labanan ang planong pagpawi sa kanilang mga sasakyan na nagbibigay ng murang serbisyo sa kabila ng kakulangan ng pampublikong sistema ng transport sa bansa.

‘Holdap’

Ito na ata ang pinakalakas na protestang nairehistro ng sektor ng transport kontra sa planong jeepney phaseout. Noong nakaraang linggo, gumarahe muna ang mga jeepney para ipanawagan ang pagbasura sa kasalukuyang “modernization” program ng Department of Transportation (DOTr) na pinangangambahang magtatanggal ng kabuhayan sa higit 600,000 drayber o 2.4 milyon katao kasama ang kanilang pamilya.

Sa pagkakataon ding ito, umani ng suporta ang mga drayber at operator, sa hanay ng mga komyuter na siyang direktang tatamaan din ng jeepney phaseout.

“Naniniwala kami na itong ginagawang modernization program, sa aktuwal ay parang isang porma ng panghoholdap na ginagawa ng gobyerno sa ating mga tsuper at pasahero,” ani Ron Villegas, tagapagsaliksik ng Crispin B. Beltran Resource Center (CBBRC). Kasama ang CBBRC, institusyon ng mga manggagawa sa bansa, sa mga komyuter na nagpahayag ng suporta sa tigil-pasada kontra sa jeepney phaseout.

Peke umano ang modernisasyong gustong ibigay ng programa.

Ang isang yunit ng e-jeep ay nagkakahalaga ng mula P1-Milyon hanggang P1.8-M depende sa manufacturer na karamihan ay mga dayuhan. Aabot ng hanggang P18,000 o P800 kada araw ang kailangang bunuin ng mga drayber kada buwan.

Serbisyo, gagawing negosyo

Ayon sa DOTr, may ipinapangakong P80,000 subsidyo ang gobyerno kada yunit para sa paunang bayad o downpayment na makakagaan naman sa milyong halaga ng isang e-jeep. Ayon pa sa ahensiya, mas maraming puwedeng isakay sa e-jeep kung kaya mas malaki ang kikitain dito.

Sino ba ang tunay na kikita sa e-jeep? Ayon sa mga drayber at maliliit na operator, tiyak raw na hindi sila.

Ang mga operator, para makakuha ng prangkisa ng e-jeep, mangangailangan ng di-bababa sa P20-Milyon. Kailangang magkaroon ng 20 yunit ng e-jeeps ang isang operator para magkaroon ng prangkisa. Dahil dito, malalaking kompanya lang ang may kakayahang mamuhunan sa bagong sistemang ito.

Napatunayan ito sa mga nagsulputang linya ng e-jeep na puro malalaking kompanya ang may-ari. Malalaking kompanya din na kasosyo ng malalaking dayuhang kompanya ang tanging manufacturers nito. Isang halimbawa nito ang QEV Philippines Electromobility Solutions and Consulting Group Inc. na pagmamay-ari ng mga Aboitiz.

Sa ibang bansa rin manggagaling ang mga makina ng mga e-jeep na ipapalit sa tradisyonal na jeep, tulad ng General Motors at Toyota. Samantala, kopo naman ng Ayala Corp. at Metro Pacific ni Manny Pangilinan ang sistema ng pagbayad ng pamasahe na katulad ng sa MRT/LRT: ang Beep Card.

Dahil umano sa pagpasok ng mga negosyante sa industriya ng transportasyon, hindi malayong ipasa sa mga komyuter ang pagpasan para mahabol ang mas mataas na return of investment ng mga kompanya. Sa halip na serbisyo publiko, papatayin nito ang lokal na industriya at gagawing gatasan ang sektor ng transport ng mga dati nang mayayaman.

“Hindi lang mga drayber ang tatamaan ng pag-phaseout. Matindi rin ang magiging epekto nito sa mga mananakay. Titiyakin nitong malalaking korporasyon ang balik sa kanilang investment. Saan nila kukunin iyon? Sa pagtataas ng pamasahe. Ibig sabihin ang maghihirap sa modernization program ay ang ating mga tsuper, mga maliliit na operator at ang ating pasahero,” ani Villegas.

Inihalimbawa nila ang nangyaring pagtataas ng pamasahe sa LRT1 mula nang pasukin ito ng mga pribadong korporasyon. Nangako umano ang mga Ayala na pagagandahin ang serbisyo bilang kapalit ng mas mataas na pamasahe, pero sunud-sunod ang naging perwisyo nito sa mga mananakay na nagtitiis sa mataas na pamasahe.

Alternatibo

Nais ng mga sumama sa welgang jeep na bumuo ng modernization program ang gobyerno nang isinasaalang-alang ang interes ng mga mamamayan—isang panibago, episyente, at nasyonalisado o pagmamay-ari ng publiko, hindi ng mga korporasyong naghahabol ng tutubuin mula sa mga mananakay.

Rekomendasyon nila na sa halip na tuluyang tanggalin sa mga kalsada ang tradisyonal na jeep ay tulungan sila ng gobyerno sa rehabilitasyon ng mga ito.

Kung naisasabansa ang public transport system, magiging mura ang serbisyo nito dahil wala itong hinahabol na malaking kita para sa malalaking negosyante at dayuhan.

Ang pagbubuo din umano ng programa para sa pambansang industriyalisasyon ay magbibigay ng pangmatagalang solusyon sa ganitong mga problema. May kakayahang bumuo ang Pilipinas ng sarili nitong idustriya na gagawa ng e-jeep na mas mura ang halaga dahil marami tayong pagkukunan ng materyales sa bansa.

Noong eleksiyon, sinuportahan ng mga drayber at operator si Duterte dahil nangako itong babaliktarin ang mga polisiyang neoliberal ni Bengino Aquino III na maaaring magtuloy sa katauhan ni Mar Roxas. Pero itutuloy din pala ni Duterte ang sinimulang jeepney phase-out ng noo’y kalihim sa transportasyon na si Roxas.

Hiling ng mga drayber at operator na samahan sila ng mas maraming bilang pa na mga mamamayan sa kanilang malubak na biyahe kontra jeepney phaseout. Nakakuha ng malawak na suporta ang sektor ng transport nitong huling tigil-pasada. Umaasa sila, sa susunod, na lalong hihigpit ang pagkakaisa ng mga mamamayan dahil ang kinabukasan ng bansa sa sistema ng transportasyon ang nakataya rito.


 

Pakikibaka kontra rebisyunismo

$
0
0

Isang tanong marahil ngayon s amarami kung sosyalistang bansa pa ba talaga ang Tsina at Rusya. Di kaya’y pumupusturang mga sosyalista ang mga ito, pero sa esensiya’y kapitalista?

“Rebolusyong Oktubre, Rebolusyong Pilipino.” Espesyal na print issue ng Pinoy Weekly, 29 Oktubre 2017 (Tomo 15, Isyu 42)

“Rebolusyong Oktubre, Rebolusyong Pilipino.” Espesyal na print issue ng Pinoy Weekly, 29 Oktubre 2017 (Tomo 15, Isyu 42)

Sa Rusya, makikita kung paano nagawang makabalik ng kapitalismo sa pamamagitan ng “rebisyunismo” o ang sadyang paglihis sa teorya’t praktika ng Marxismo-Leninismo.

Napatunayan ni Lenin na hindi imposible na magtagumpay ang mga mamamayan na ibagsak ang isang Estadong pinamumunuan ng burgesya at lumikha ng isang Estadong pinamumunuan ng mga manggagawa at naglilingkod sa kanilang interes at sa sambayanan.

Pero kahit noong nabubuhay pa si Lenin, pilit nang inililihis ng modernong mga rebisyunista kagaya nina Khrushchov, Trotsky, Zinoviev, at iba pa ang kanilang partido para yakapin ang bagong mga teorya umano na hindi naman nakalapat sa praktika ng rebolusyong Ruso.

Kabilang sa itinulak ng mga ito ang teorya daw ng “mapayapang transisyon” tungo sa sosyalismo sa pamamagitan ng “parlamentaryong landas,” “mapayapang pakikipamuhay” at “mapayapang kumpetisyon” sa pagitan ng mga bansa na may magkakaibang sistemang panlipunan at pampulitika bilang pangkalahatang linya sa patakarang panlabas sa layuning pabor sa uring burgesya. Ginagawa nila ito habang nagpupusturang mga sosyalista.

Sa pagkamatay ni V.I. Lenin, pumalit si Joseph Stalin, sa panahong matindi ang tunggalian ng burgesya at proletaryado sa loob mismo ng Estado at sa loob ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet. Nang mamatay si Stalin, sinadya nilang atakehin sina Lenin at Stalin at pinalaki ang usapin ng umano’y “pagpupurga” ni Stalin sa mga katunggali niya sa loob ng Estado at Partido.

Pero kahit na sinunod ng mga sosyalitang bansa ang “polisiya ng kapayapaan” ng mga rebisyunista, hindi nito napawi ang iba’t ibang kontradiksiyon sa daigdig gaya ng kontradiksiyon sa pagitan ng sosyalista at imperyalistang bansa; ang kontradiksiyon sa pagitan ng burgesya at proletaryado; ang kontradiksiyon sa pagitan ng imperyalismo at pinagsasamantalahang bansa.

Sa pananaw ng mga Marxista-Leninista, sa nakaraan man, sa kasalukuyan o sa hinaharap, hindi maaaring itanggi o pagtakpan ang mga kontradiksiyong ito na siyang pilit ginagawa ng mga rebisyunista.

Nauwi sa Dakilang Debate ang nangyayari sa Rusya nang simulang mapuna ni Mao Zedong, na siyang nagpatagumpay sa sosyalistang rebolusyon sa Tsina noong 1949. Kinalaunan, nakapanumbalik din ang kapitalismo sa Tsina sa pagmamaniobra ng mga rebisyunista gaya nila Liu Xiaoqi at Deng Xiaoping.

Sa ngayon, nagiging puspusan ang mga proletaryado sa daigdig sa pagbaka sa modernong rebisyunismo at patuloy na iminumulat ang inaaping sektor sa lipunan at daigdig sa tamang landas ng tagumpay na sinimulan ng Rebolusyong Oktubre ni Lenin.


 


Reporma sa lupa at industriyalisasyon sa Unyong Sobyet

$
0
0

Isa sa pinakaunang tinugunan ng bagong tatag na rebolusyonaryong gobyerno na pinamunuan ni V.I. Lenin ang repormang agraryo. Batid ng mga Bolshevik ang kahalagahan ng pagtugon sa hiling ng maralitang mga magsasaka sa Rusya, na kumakatawan sa 80 porsiyento ng populasyon ng bansa.

“Rebolusyong Oktubre, Rebolusyong Pilipino.” Espesyal na print issue ng Pinoy Weekly, 29 Oktubre 2017 (Tomo 15, Isyu 42)

“Rebolusyong Oktubre, Rebolusyong Pilipino.” Espesyal na print issue ng Pinoy Weekly, 29 Oktubre 2017 (Tomo 15, Isyu 42)

Pinakaunang nilagdaan ni Lenin noong Nobyembre 1917 ang Kautusan sa Lupa na siyang nag-utos ng pagpawi sa pribadong pag-aari sa mga lupain. Kinumpiska ng gobyernong Soviet ang mga lupain ng monarkiya (Tsar at iba pang naghahari-harian noon sa Rusya), mga monasteryo, pati ng Simbahan. Sinundan nito ang Pundamental na Batas sa Pagsasapanlipunan ng Lupa (Land Socialization) noong Pebrero 1918. Sa naturang batas, iniutos ng gobyernong Soviet na maipagamit sa lahat ng mga magsasaka ang lupain nang walang bayad (o kompensasyon sa mga dating may-ari nito).

Dagdag dito, nakasaad sin sa naturang batas na kailangang maglikha ang gobyerno ng mga kondisyon na paborable sa pagpapaunlad ng produksiyon ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad ng produktibidad ng lupa, pagdebelop ng siyentipikong pagsasaka, pag-aangat ng kaalaman ng mga magsasaka sa agrikultura, magtakda ng reserbang lupaing agrikultural, magdebelop ng mga empresang agrikultural at maghikayat ng kolektibong sistema ng agrikultura.

Ang huling punto ang kakaiba sa sosyalistang reporma sa lupa kumpara sa reporma sa lupa na ginawa matapos ang burges na mga rebolusyon sa Europa at Amerika. Hindi hinayaan ng Estado ang mga magsasaka na mag-ari ng lupain para sa sarili nilang pagyaman. Bagkus, itinulak ng Unyong Sobyet ang kolektibong pagtatrabaho sa lupa para sa kapakanan ng buong bansa.

Taong 1929, pinatupad ni Joseph Stalin ang unang Five Year Plan na naglalayong iindustriyalisa ang agrikultura. Pinasimulan sa panahong ito ang kolektibong pagsasaka ng malalaking bloke ng lupaing agrikultural, habang siniguro ng gobyerno na may magagamit na traktora ang mga magsasaka para umunlad ang produktibidad ng lupa.

Samantala, lalong naging mahalaga ang agarang pagsasaayos ng mga industriya ng Unyong Sobyet dahil sa pagtigil ng pangangalakal sa mga bansang kapitalista na nagsusuplay ng ilang batayang pangangailangan ng bansa. May banta rin ng pananakop, tulad ng naganap noong giyera-sibil (1918-1920). Sa ganitong kalagayan, itinulak ng gobyerno ang mabilisang industriyalisasyon ng bansa. Nagtakda ang gobyerno ni Stalin ng mga sentrong industriyal na magpapaunlad ng batayang mga industriya tulad ng bakal, koton, at gas. Dahil sa mabilisang industriyalisasyon na ito, mabilis na lumaki naman ang hanay ng mga manggagawa sa Unyong Sobyet. Mula 3.12 milyon noong 1928, naging 6 milyon na ito pagkatapos ng unang Five Year Plan noong 1932.

Nagkatotoo ang banta ng pananakop sa Unyong Sobyet noong 1939, nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa panahong ito, industriyalisado na ang Unyong Sobyet at mabilis itong nakapaghanda para sa pagdedepensa ng sarili laban sa pananakop ng Nazi Germany.


 

Kampo ng mga walang bahay, sa gilid ng Palasyo

$
0
0

May mga bagong kapitbahay si Duterte.

Gamit ang tolda’t kawayan, nagtayo nghomeless camp sa labas ng Mendiola Peace Gate—ilang metro lang ang layo sa Malakanyang—ang mga residenteng nademolis sa Manggahan Floodway. Umaasa silang pangangatawanan ng pangulo ang pangako nitong walang demolisyon kung walang maayos na relokasyon.

Pagbabalik-tanaw ng mga residente, biglaan ang demolisyon noong Oktubre 18 na tumagal nang tatlong araw.

“Wala silang binigay na notice na siya’y magdedemolis. Bigla na lang, isang araw, dumating ang demolition team. Nang hanapan namin ng sapat na katibayan para idemolis kami, wala silang ipinakita,” kuwento ni Rowena Villano, 48, residente ng Manggahan Floodway sa Pasig.

Bago pa umano ang demolisyon, nagbarikada na ang grupong Balikwas Kadamay sa lugar noong Agosto 31 dahil sa mga bali-balitang balak silang idemolis ng lokal na pamahalaan ng Pasig City. Umabot sa 41 katao sila, kabilang ang mga menor-de-edad at senior citizen sa mga hinuli noong araw na iyon. Pinasinungalingan din ni Pasig City Police Station Chief Senior Supt. Orlando Yebra ang balita tungkol sa demolisyon.

Pero tulad ng magnanakaw sa gabi, dumating ang mga trak ng bumbero, backhoe, at pulis mula sa iba’t ibang lungsod—mga “tuta ni (Pasig City Mayor Roberto) Eusebio” kung isalarawan ng mga residente.

Rowena Villano, 48. <b>Marjo Malubay</b>

Rowena Villano, 48. Marjo Malubay

“Kababaihan po kami sa harap, nakakapit-bisig. Nakaharang kaming mga babae. Nandiyan ang kanyang bumbero, kapulisan, kasama po yung trak. Nung magsimula na ang kaguluhan, inatrasan na kami at sinimulan nang bombahan ng tubig, “ ani Aling Rowena.

Inaayawan ng mga residente ang relokasyon sa Tanay, Rizal at Laguna dahil napakalayo nito sa kanilang hanapbuhay. Ayon kay Aling Rowena, ang ilan sa kanilang kapitbahay na sumama sa “tripping” o pagbisita sa relocation site ay nagpapatunay na wala pang linya ng tubig at kuryente sa lugar.

Dahil nag-aaral pa ang limang anak ni Aling Rowena at sa Maynila nagtatrabaho ang dalawang anak na binata’t dalaga, napilitan umupa ng maliit na kuwarto ang mag-anak sa halagang P4,000 na inutang sa 5-6.

“Inalisan na niya kami ng tahanan. ‘Yung aming pinagkakakitaan pinatay pa nila. Paano na ang pamilya namin? Paano kami magsisimula? ‘Yun lang hindi kami nangungupahan kinakapos na kami,” aniya.

Bagamat hindi sigurado ang mga pamilya na nasa homeless camp kung paano nila itutuloy ang kanilang buhay ngayong wala na silang tirahan, malinaw ang kanilang sigaw sa labas ng gate ni Duterte: igawad na sa kanila ang mga lupa sa Floodway, dahil wala naman umanong dahilan para paalisin sila doon.

Noong 1994, sa bisa ng Proclamation No. 458 ni dating pangulong Fidel Ramos, itinalagang lupa para sa pabahay sa mahihirap ang Manggahan Floodway na bumabagtas sa Cainta, Taytay, at Pasig kung saan nakatira sina Aling Rowena.

Para sa presidenteng napakaraming pangakong isa-isa na ring naipapako, isang paalala: Pagbuksan na sila ng pinto hangga’t maaga pa, bago pa dumating ang araw ng paniningil sa dumarami niyang utang sa maralita.


 

Mapapait na karanasan sa ‘sunshine industry’

$
0
0

Boses ang pangunahing puhunan ng mga empleyado ng mga kompanya ng business process outsourcing (BPO). Pero sa pagtagal nila sa shift, unti-unting namamalat ang mga boses nila.

Natutunan nila ngayon na kailangang gamitin nila ang kakayahang magsalita para igiit ang kanilang mga karapatan at ihayag ang kanilang mga hinaing.

Sa kasalukuyang neoliberal na oryentasyon ng ekonomiya ng bansa, inaasahan ng gobyerno ang industriya ng BPO bilang isa sa mga pagmumulan ng empleyo sa mga kabataang nagtatapos sa kolehiyo o nagiging manggagawa. Sa lohika ng neoliberalismo, itinuturing ang BPO bilang sunshine industry” at  “brightest spot” ng ekonomiya dahil sa dayuhang kapital na naipapasok nito sa bansa.

Sa kabila nito, mababa ang sahod ng mga empleyado ng BPO kung ikukumpara sa mga katulad nila sa ibang bansa. Samantala, grabeng sakripisyo sa kanila ang pagtatrabaho sa night shifts—na nagdadala sa kanila sa mga panganib, at posibleng mga sakit dahil sa pagpupuyat.

Trabahong mahirap

“Laganap din sa amin ang pagliban sa mga break at lunch. Minsan, aabutin kami nang tatlong oras o higit pa bago kami makapag-break. Kung minsan pa, mandato sa amin na gamitin ang 30 minuto sa aming isang oras na lunch dahil sa dami ng pumapasok na tawag,” kuwento ni Sarah Prestoza, tagapangulo ng Unified Employees of Alorica (UEA).

Isa rin sa pagsasamantalahang nararansan ng mga empleyado ang pagbibigay sa kanila ng mga maraming gawain nang walang dagdag-bayad.

Maging ang paghingi ng solo parent’s leave ay ipinakakait sa kanila. Isa na rito ang pangkalahatang kalihim ng UEA na si Mary Jean Azana, na nakaranas ng di pag-apruba ng hinihingi niyang leave.

“Pakiramdam ko, naabuso ako nung hindi nila aprubahan ‘yung leave ko. Karapatan ko ito pero bakit parang kailangan ko pang magmakaawa?” tanong ni Mary Jean.

Nagiging normal na sitwasyon na  rin sa ilang kompanya ang sapilitang pagtatrabaho nang lagpas sa nakatakdang oras.

Umuusbong na rin sa maraming kompaya ng BPO ang iba’t ibang anyo ng pagsisisante sa mga empleyado. Laganap ang ganitong sistema lalo na’t kinakailangang magbawas ng ahente ang isang kompanya. Wala itong pinipili, kahit pa tenured o regular ang empleyado.

Isa si Jeff Bautista, regular na empleyado ng VIX-Makati, sa nakaranas ng di-makatarungang pagsisante. Ito ‘y sa anyo ng sapilitang pag-alis sa trabaho o forced resignation. Dahil sa ilang palya sa larangan ng metrics at hindi pagpasa sa sarbey na binabalik ng kustomer, inabisuhan siya ng kanyang team leader (TL) o bisor na magbitiw na lang o mapipilitan ang kompanya na alisin siya sa trabaho.

Pinagtakhan ni Jeff ang gawaing ito ng VIX-Makati. Hindi kasi ganito ang kalakaran sa ibang kompanya. Aniya, ililipat lang ng ibang account ang mga empleyadong tulad niya at hindi pipiliting magbitiw. Makailang beses rin sa kanya inihatag ang  suhestiyon na ito kahit pa man siya’y nasa oras ng kanyang lunch.

Pressured na pressured na ako, kasi sinabihan ako na kung hindi pa ko magdedesisyon, ite-terminate na nila talaga ako. Kaya napa-oo na ako,” ani Jeff.

Matapos mapapayag si Jeff, mismong superbisor na niya ang gumawa ng letter of resignation niya at agad itong pinapirmahan sa kanya.

Iba naman ang istorya ni Marianne King, kasamahan ni Jeff sa VIX-Makati. Sa kabila ng kanyang medical certificates, natanggal pa rin siya sa kompanya. Nakasaad sa kanyang dokumento na nilabag niya ang ilan sa patakaran tulad ng No Call No Show at Absence Without Official Leave (AWOL) na dahilan ng kanyang terminasyon.

Dahil sa ilang paglabag sa karapatan ng mga manggagawa, umusbong ang BPO Industry Employees Network (BIEN) na siyang tumutugon sa hinaing ng ilang manggagawang naaabuso sa nasabing industriya. Sa ilalim naman ng BIEN, sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagtatag ng unyon sa loob ng  kompanya ng Alorica-West, ang UEA.

Nasolusyonan at napagtagumpayan na rin ng UEA sa tulong ng BIEN ang ilang problema ng call center agents. Maging ang security of tenure ay mariin nilang itinutulak sa kabila ng hindi pagpapahalaga ng ilang ahensiya dito. Patuloy din silang mananawagan hanggang sa magkaroon ng nararapat na batas na poprotekta sa kanila bilang manggagawa.

Sa ginanap na ASEAN Summit na dadaluhan ng iba’t ibang lider ng bansa sa Timog Silangang Asya, ibinida na naman ni Pangulong Duterte ang lumalaking industriya ng BPO at ang naipapasok nitong kita sa bansa. Pero ang kaunlaran na ito’y kalakip ng mga problemang kinahaharap ng nga empleyado.

“Tunay ngang maganda mag-invest sa BPO companies dito sa bansa. Pero dahil di-hamak na kikita nang malaki ang mga kompanya mula sa mababang pasahod sa mga empleyado ng BPO,” ani Mylene Cabalona, tagapagsalita ng BIEN.


 

Para kanino ang ‘regalo’ ni Duterte sa Asean

$
0
0

Sino ang tunay na liligaya ngayong Pasko sa ipinagmamalaking kasunduang nabingwit ni Pangulong Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit patungkol sa mga migranteng manggagawa?

Bagamat sa pagturing ni Duterte’y magdudulot ng pagbabago ang kasunduang tinawag na Asean Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers, nagsisimula na itong mangamoy para sa grupo ng mga migranteng manggagawa

Ang kasunduang pinirmahan noong Nobyembre 14, ay bunga ng “ASEAN Declaration of the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers” noong 2007. Sa taong 2018 nakatakdang buuin ang action plan para dito.

“Malabo, walang maayos na proseso ng konsultasyon, at kulang ang impormasyon sa panig ng mga direktang tatamaan ng kasunduan, ang mga migranteng manggagawa mismo,” ayon sa Migrante International, organisasyon ng mga migranteng manggagawang Pilipino sa buong mundo at kaanak nila.

Bukod sa walang sapat na konsultasyon sa pagitan ng gobyerno at mga migrante, taong 2009 ay nag-ayawan ang ibang bansa sa tatlong pangunahing punto: ang pagkakaroon ng legal na pananagutan ng mga bansa sa kasunduan, proteksiyon ng mga undocumented workers, at pagsali sa pamilya ng mga migranteng manggagawa bilang stakeholder ng probisyon.

Legal na pananagutan

Sa usapin ng legal na pananagutan, mukhang malabo, kung pagbabatayan ang pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III. Hindi na umano dapat pang busisiin pa kung ito’y “legally, morally, o politically binding.” Ang mahalaga raw, alam ng mga bansa na pumasok sila sa kasunduan at kailangan nila itong tuparin.

Kung mayroon mang legal na proteksiyon ang mga migranteng manggagawa sa mga pinupuntahan nilang bansa, napakaliit nito at napakadaling baliin ng dayuhang mga employer na nagsasamantala para pumabor sa kanila.

Isa ang Singapore sa mga tumutol na magtakda ng legal na pananagutan sa mga bansa sa Asean na papalpak sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga migranteng manggagawa. Ang dahilan ng mga lider ng naturang bansa, maaari itong makasagka sa soberanya ng isang bansa dahil direktang mangingialam ang legal na instrumento nito sa kanilang kasalukuyang mga batas.

“Ang konsepto ng ‘non-interference’ ay paulit-ulit nang nagamit para iwasan ang obligasyon ng Estado sa karapatang pantao… Para lubos na matupad ang proteksiyon sa mga manggagawang migrante, kailangan ng legal na pananagutan ng mga bansa,” pahayag ng Migrante International.

Kritikal ang legal na pananagutan lalo pa’t hindi natapos kay Flor Contemplacion ang kuwento ng mga migranteng namamatay sa ibang bansa, partikular sa Singapore.

Noong 2012, isang 23-anyos na Pilipinang nangangasambahay sa Singapore ang misteryosong namatay sa pagkahulog mula sa tinitirhang condominium ng kanyang employer. Isang linggo pa lang nang magsimulang magtrabaho si Apple Gamale, pero inuwi na itong naka-kahon sa mga kamag-anak sa Davao. Ayon sa pamilya, wala silang natanggap na police report, autopsy, o kahit na anong dokumentong maglilinaw sa totoong nangyari sa kanilang kaanak.

Kung seryoso umano ang Asean sa kanilang layunin, aayusin nito ang mga batas na makakasagka sa probisyon lalo pa’t patuloy ang pagdami ng ganitong mga kaso dahil sa napakarupok na legal na proteksiyon ng mga migranteng manggagawa.

Kasama ang mga miyembro ng Migrante International sa dambuhalang protesta kontra sa Asean Summit noong nakaraang linggo. <b>Boy Bagwis</b>

Kasama ang mga miyembro ng Migrante International sa dambuhalang protesta kontra sa Asean Summit noong nakaraang linggo. Boy Bagwis

Karapatan ng undocumented

Sa tala ng World Bank, higit sa 10 milyong di-dokumentadong migrante ang naka-kalat sa Timog-Silangang Asya. Pagtakas dahil sa pagmamalupit ng employer at hindi pagbibigay ng tamang sahod at araw ng pahinga ang pangunahing dahilan ng pagiging di-dokumentado ng mga migrante sa rehiyon.

Pero para sa Malaysia, security threat ang mga di-dokumentadong manggagawa sa kanilang bansa kaya tutol sila sa pagpapaloob ng mga ito sa proteksiyong maaaring ibigay ng kasunduan.

“Ang mga di-dokumentadong migranteng manggagawa ay hindi lang mga taong nakapasok sa bansa sa ilegal na paraan. Mas marami ang mga hindi nakapag-renew ng work permit, umaalis sa mapang-abusong employer, o di-kaya’y pinalayas bigla ng employer,” paglilinaw ng Migrante International.

Ito umano ang dahilan kung bakit hindi makataong ituring na panganib sa seguridad ang mga migranteng manggagawang bagamat di-dokumentado ay produktibo’t pinakikinabangan ng kanilang ekonomiya.

Sakripisyo ng pamilya

Puwersahang nagsasakripisyo ang pamilyang naiiwan ng mga migranteng lumalabas ng bansa dahil wala namang oportunidad dito para sa kanilang mga mahal sa buhay. Dahil mas marami ang migranteng manggagawang Pilipino ang kababaihan kaysa kalalakihan, kalakhan sa mga apektadong pamilya’y walang nanay.

Maraming negatibong implikasyon ang pagkawalay ng mga anak sa kanilang mga magulang. Ayon sa tala ng Migrante International, seksuwal at pisikal na pang-aabuso at emosyonal na problema ang ilan sa mga kinakaharap ng mga anak ng migranteng manggagawang naiiwan sa pinagmulang bansa.

“Kababaihan ang tipikal na nangangalaga sa pamilya kaya marapat lang na magkaroon ang migranteng kababaihan ng mas maayos na pagtrato bilang mga manggagawa,” ayon sa grupo. Sobra-sobra ang hidden charges na kalakip ng pag-alis ng mga magulang sa bansa para magtrabaho sa dayuhang lupain na binabayaran di-lamang ng mga umalis kundi pati na rin ng mga naiwanan.

Ngayong natuloy na matapos ang isang dekada ng paghihintay ang pirmahan sa nabuong kasunduan, makakaasa kaya ang mga mamamayang migrante ng Asean na mapepreserba sa esensiya man o implementasyon ang kanilang mga panawagan?

Labas sa mga kasunduang itinutulak ng gobyerno para proteksiyunan ang kanilang mga mamamayan laban sa pang-aabuso, dapat pagtuunan nito ng pansin ang lokal na kalagayan ng sektor ng paggawa. Mula sa sektor na ito ang kadalasang napipilitan na umalis ng bansa dahil walang mahanap na trabaho, at kung mayroon ma’y napakababa ng sahod at napakapangit ng kondisyon sa lugar ng pinagtatrabahuhan.

Ang bilyun-bilyong ginastos ng taumbayan para sa Asean Summit na ginanap sa bansa’y walang katuturan kung gagamitin lang sa pagsusulong ng interes ng iilan at ng mga imperyalistang bansa tulad ng US at China ang mga kasunduang binubuo sa pagtitipong ito.

Buhay-bulkan

$
0
0
Unang lumabas ang sanaysay na ito sa Philippine Collegian halos 17 taon na ang nakararaan–noong Agosto 1, 2001. Inedit nang kaunti ang bersiyong ito.
Nitong Enero 2018, muling pumutok ang bulkang Mayon. Muli, libu-libong magsasaka at mamamayang Albayano sa may paanan ng bulkan ang lumikas. Samantala, daan-daanlibong (baka umabot na sa milyong) turista ngayon ang dumagsa sa naturang probinsiya.
Ang awtor ay lumaki sa Legazpi City, Albay.

Minsan naiisip ko: Kung ano ang turing ng mga Pilipino kay Jose Rizal, parang ganun din ang turing ng mga Albayano sa Bulkang Mayon.

Sa aming probinsiya sa Albay, kung anu-ano ang ipinapangalan sa bulkan—tulad ng kung anu-anong gamit, produkto at kompanyang ipinapangalan sa pambansang bayani (hal. Rizal Bank, Rizal na posporo, Rizal Park). Sa buong probinsiya, may hotel, resthouse, restaurant, t-shirt, grocery, at di mabilang na tindahan na kapangalan ng bulkan. At tulad ni Rizal, kumbaga’y mistulang bayani rin ng mga Albayano ang Mayon.

Malaking bahagi ng pangkulturang buhay ng mga tao sa lugar ang bulkang ito. Malaking bahagi ng ekonomiya ng Legazpi City ang nakabatay sa turismo. Ang attraction na ito’y nakapagpapasok ng malaking revenue mula sa mga turistang nabibighani sa misteryosong ganda ng halos-perpektong hugis-apa ng Mayon.

Katok sa putok

Humigit-kumulang sa isang dekada ang pagitan ng pagputok ng Mayon. Tuwing nangyayari ito, dagsaan ang mga turista, marami’y dayuhan.

Sa pag-usok at pagliyab ng bunganga ng bulkan, nabubuhayan ang siyudad. Punung-puno ang five-star hotel na Mayon International Hotel. In demand ang abaca products na binebenta sa mga bangketa. Lumalago ang industriya ng paglilitrato sa dami ng mga bisitang gustong makakuha ng litrato ng pagputok ng bulkan tuwing gabi. Kung anu-anong t-shirt ang binebenta sa kalye—basta may nakasulat na “Mayon Volcano” o “Legazpi City.” At tuwing gabi, gising ang mga tulog kapag umaga: magdamag ang tagayan sa Albay Park, at siyempre ang mga naglalako ng aliw sa Penaranda Park at sa kung saang madilim na sulok ng siyudad.

Baka di-normal na nakikita ang masayang eksenang ito sa isang lugar na dumadaan sa matinding sakuna. Pero para sa lokal na mga opisyal ng gobyerno, parang nagkakaroon ng dagdag na kahulugan ang kasabihang “In every dark cloud, there is a silver lining.”

Halimbawa nito ang komersiyo sa Cagsawa Ruins. Ito ang dating simbahang natabunan ng landslide sa pagputok ng bulkan noong 1814, at ngayo’y posibleng pinakasikat na puntahan ng turista sa Albay. Marami ang nabaon nang buhay sa loob ng simbahan. Pero ngayo’y sikat itong destinasyon ng mga turistang tila di-takot sa mga kuwentong nagmumulto raw ang mga natabunan doon. Katunayan, mayroon pang itinayong restaurant malapit sa Ruins, ang “1814” – isa sa pinakasikat na restaurant sa Albay na dinadayo pa ng mga sikat na artista at personalidad sa Maynila.

Halimbawa rin ang nakita ng ilang negosayante na pagkakataong kumita sa kakulangan ng mga dust mask para sa mga residente ng Legazpi. Nabasa ko sa Manila Bulletin noong Hulyo 27, 2001: “Garment manufacturers in Metro Manila, perhaps, can immediately fill the need for dust mask, and with these, they can earn instant cash and provide instant employment.”

Ayon pa sa balitang ito, “The products must have different designs that may suit classes of buyers like students, professionals, and the ordinary man in the streets, or even farmers.” Para bang may pakialam pa ang gumagamit ng dust mask sa Albay kung aaayon sa propesyon niya ang disenyo nito.

Village people

Samantala, maging ang ilang magsasakang residente sa paanan ng Mayon—na siyang pangunahing nabibiktima tuwing pumuputok ang bulkan—tinangkang maksimisahin ang trahedya. Namumulot sila ng mga batong mula sa lava o ashfall para ibenta sa mga turista.

Sila mismo iyung noong Huwebes lang, kasama sa aabot sa 10,000 pamilya o 53,000 katao na nagsilikas mula sa kanilang mga bahay matapos ang biglaang pagputok ng bulkan. Karamihan dito’y mga pamilya ng mga magsasakang nakatira sa paanan ng Mayon. Maraming magsasaka rito, dahil mataba ang lupa.

Tuwing may banta ng pagputok, sila mismo iyung pinakaunang pinalilikas ng lokal na gobyerno. Pinapatira sila sa mga evacuation center – mga klasrum ng public elementary schools sa siyudad. Doon, lagi’t laging kalunus-lunos ang kanilang kalagayan. Kuwento nga ng nanay ko na guro sa Bagumbayan Elementary School sa Legazpi City, aabot sa 15 pamilya ang pansamantalang nakatira sa kanyang klasrum. Pangkaraniwan lang ang laki ng klasrum na ito, kaya siksikan ang mga pamilyang natutulog sa desk ng mga estudyante o kaya sa semento. Tulad ng inaasahan, walang maayos na kubeta para sa kanila. Kuwento ng nanay ko, grabe na ang panghi ng klasrum niya.

Karamihan sa mga magsasakang evacuee sa mga eskuwelahan ay bumabalik sa “danger zone” tuwing umaga upang tingnan kung hindi nasira ng ashfall ang kanilang mga pananim. Sa kabila ng pagtutol ng lokal na mga opisyal ng gobyerno sa pagbalik ng evacuees, hindi pa rin nila ito mapigilan. Tanging sa pagsasaka lang kasi nakasandig ang kabuhayan ng mga tao rito. Para sa kanila, katumbas din naman ng pagkamatay sa landslide o pagkasunog sa uson ang pagkawala ng kanilang kabuhayan.

Kaya minsan, napapaisip ako: Para bang hindi maganda, kundi masamang tanawin ang ipinupunta ng mga turista sa Albay. Kumbaga, natutuwa sila sa trahedya, namamangha sa view. Samantala, ang mga apektado, hayan na nama’t lumilikas mula sa pumuputok na bulkan. Kapag nangyayari iyun, di ko maiwasang isipin na hindi bayani sa buhay ng mga residente ang bulkan.

Samantala, tuloy ang pag-akit ng magandang Mayon sa mga turista, kahit pa maraming buhay at kabuhayan ang nasisira sa bawat ragasa ng “maganda” niyang pananalasa.


Featured image: Larawan ni Ciriaco Santiago III

Wikang Pambansa vs kolonyal na edukasyon

$
0
0

Pinagtibay kamakailan ng Korte Suprema ang Commission on Higher Education (CHEd) Memorandum 20 (CMO 20) na nagtatanggal sa wikang Filipino bilang isa sa mga batayang sabdyek na kailangang kunin sa kolehiyo. Sa kabila ito ng paghahain ng temporary restraining order (TRO) ng grupong Tanggol Wika noong nakaraang taon laban sa implementasyon nito.

Kung titingnan, hindi na bago sa kasaysayan ng Wikang Pambansa ang pangangailangang patuloy na igiit ang wastong lugar nito sa sistema ng edukasyon. Bagamat malinaw na pinagtitibay sa Konstitusyong 1987 ang paggamit at pagpapatatag sa wikang Filipino sa mga paaralan, mauugat sa mahabang kasaysayan ng kolonyal na edukasyon sa bansa ang patuloy na pagsasawalang bahala rito habang sa kabilang banda nama’y patuloy na binabantayog ang wikang Ingles.

Ugat ng kolonyal na edukasyon

Sa panahon ng mga Amerikano, epektibong ginamit ang pagpapatupad sa sistema ng pampublikong edukasyon para itaguyod ang interes ng mga bagong mananakop. Sa ilalim nito, Ingles ang naging wikang panturo at awtomatikong naging wika ng kaalaman. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga libro at teksbuk sa wikang Ingles, nagawa nitong bihagin ang pag-iisip ng mga Pilipino na natutunang sambahin ang kultura’t pamumuhay ng mga Amerikano. Samantala, sinadya namang burahin sa alaala ng mga magaaral ang maningning na kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipinong bayani’t rebolusyonaryo.

Sa puntong ito ng kasaysayan mauugat ang “misedukasyon” ng mga Pilipino ayon nga sa sanaysay ng makabayang historyador na si Renato Constantino. Aniya, “Ang kanilang pagkatuto’y hindi na bilang mga Pilipino kundi bilang mamamayan ng isang bansang sakop ng dayuhang kapangyarihan. Kinailangan alisin sa kanila ang kanilang mga makabayang mithiin sapagkat dapat silang maging mabuting mamamayan ng isang kolonyang bayan.”

Sa kalaunan, mapapagtibay ang Ingles bilang wika ng mga elite at edukado sa lipunan. Ang mga produkto ng kolonyal na edukasyon na ito ang siya ring magbibigay daan sa pagkaluklok ng mga burukrata at ng mga pulitiko’t intelektuwal sa bansa na laging maaasahang tagapagtaguyod ng mga interes na pabor sa mananakop.

Neoliberal na atake sa wika

Ngunit hindi lang ang mahabang kasaysayan ng kolonyal na edukasyon ang nagsisilbing sagka sa pagpapalakas at pagtataguyod ng wikang Filipino sa mga paaralan. Tumatagos din sa usapin ng Wikang Pambansa ang patuloy na pagsuhay ng pamahalaan sa neoliberal na mga patakaran sa ekonomiya.

Para sa isang mahirap na bansa gaya ng Pilipinas, ang malaking bilang ng libo-libong mamamayang lumalabas ng bansa ang inaasahan ng gobyerno para magsalba sa ekonomiya nito. Sa ilalim ng labor export policy ng mga nagdaang rehimen, tinutulak ang mga mamamayan para manilbihan bilang skilled o semi-skilled workers sa ibang bansa.

Kaugnay nito, hindi na nakapagtataka kung bakit labis labis ang pagbibigay diin ng sistema ng edukasyon sa wikang Ingles. Tugon ito ng gobyerno sa pangangailangan ng mayayamang bansa at maging sa dikta na rin ng global na merkado para sa mga manggagawang nakakaunawa’t nakakapagsulat ng kahit papaano’y sapat na Ingles. Sa ganitong layunin din nakapadrino ang pagdisenyo sa mga kurikulum sa bansa. Sa ilalim ng naturang balangkas, masusuri sa programang K+12 ang pagsalubong ng gobyerno sa pangangailangan ng mauunlad na bansa para sa murang lakas-paggawa mula sa mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.

Hamon ng panahon, makabayang edukasyon

Taliwas sa pangako nito, nagsilbi lamang na malaking sagka sa sariling pag-unlad ng bansa ang labis na pagpapahalaga at pagpapatibay sa wikang Ingles sa paaralan. Namayagpag ito bilang wika ng kolonyalista at sa kalauna’y wika ng elite na siya ring patuloy na nagtataguyod ng interes ng mga dayuhan.

Ang pagtataguyod ng tunay na makabayang edukasyon ang sagot para sa isang bansang may mahabang kasaysayan ng kolonyalismo at pangangayupapa sa dayuhang interes. Ani nga ni Constantino sa kanyang sanaysay tungkol sa makabayang edukasyon, “Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang ang makalikha ng mga lalake at babaeng marunong bumasa at sumulat at marunong magkuwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kanikanilang mga sarili.”

Sa bagay na ito, wikang Filipino ang magsisilbing pinakaepektibong daluyan ng mga makabayang damdami’t adhikain ng isang bansang matagal na panahong alila ng dayuhang kaisipa’t interes.

Bagsak na ekonomiya, desperadong pasista

$
0
0

Ibinandera sa balita ng malalaking network sa telebisyon ang diumano’y pagbaba ng presyo ng mga bilihin noong nakaraang Kapaskuhan. “Bumaba ang inflation sa 5.2 porsiyento nitong Disyembre,” masayang ibinalita ng Philippine Statistics Authority (PSA), habang nagpalabas naman ng interbyu ang midya ng mga mamimili na natutuwa sa mas murang bilihin noong panahon ng Pasko.

Agad na ibinandera rin ito ng rehimeng Duterte. Ayon sa economic managers nito (mga miyembro ng gabinete na mula sa National Economic Development Authority, Department of Finance at Department of Budget and Management), inaasahang magpapatuloy ang pagbaba ng inflation sa taong 2019.

Pero sa unang tatlong linggo ng Enero 2019, tila nararamdaman na agad ng publiko ang muling pagbalik ng trend ng tuluy-tuloy na taas-presyo ng mga bilihin.

Nitong Enero 22, muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo. Umabot sa P0.10 ang itinaas sa gasolina, habang P0.40 naman ang itinaas sa presyo ng diesel. Pangatlong beses na itong tumaas ngayon pa lang Enero 2019. Noong Enero 8, tumaas ang gasolina nang P0.80 kada litro, habang tumaas naman ang diesel nang P0.70 kada litro. Matapos ang isang linggo, noong Enero 15, muling tumaas ito.

Siyempre pa, agad na naapektuhan ng naturang taas-presyo ng produktong petrolyo ang presyo ng batayang mga bilihin. Unti-unti nang nagsisitaasang muli ang mga ito.

Taas-presyo ng langis agad

Ang itinuturong isa sa pinakadahilan ng taas-presyo ng produktong petrolyo, siyempre, ay ang mga polisiya ng rehimeng Duterte sa ekonomiya.

Ayon sa Ibon Foundation, independiyenteng institusyon ng pananaliksik sa mga usaping pang-ekonomiya at pampulitika, patuloy ang pagpapatupad ng rehimeng Duterte ng Oil Deregulation Law (Republic Act No. 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998) na nagpapabaya sa industriya ng langis sa monopolyong kontrol ng malalaking kompanya ng langis sa daigdig at kapartner ng mga ito sa Pilipinas (hal. Pilipinas Shell, Caltex, Petron, atbp.).

“Iniluluwal ng oil deregulation ang overpricing (o sobrang pamemresyo sa langis sa pandaigdigang merkado),” sabi ng Ibon Foundation. “Dahil deregularisado ang industriya ng langis sa Pilipinas at nakaasa sa pandaigdigang merkado, mas malupit ang epekto ng (taas-) presyo sa mga konsiyumer, sa kabuhayan ng mga mamamayan at sa ekonomiya,” sabi pa ng Ibon.

Pinalalala lang ito, ayon sa grupo, ng 12 porsiyentong value-added tax sa mga produktong petrolyo at ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law.

Kay Duterte, ibayong hirap

Samantala, wala ring maiharap na lunas ang rehimeng Duterte sa dumadausdos na kalagayan ng mga mamamayan. Sa usapin lang ng sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor at mga kawani ng gobyerno, patuloy na tinatanggihan ng rehimen ang maingay na panukala para sa isang makabuluhang dagdagsahod na sasaklaw sa lahat ng manggagawa sa buong bansa.

Ikinakampanya ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang P750 na dagdag sa minimum na sahod sa buong bansa, mula sa mga probinsiya hanggang sa mga sentrong lungsod tulad ng National Capital Region. Sinasang-ayunan ito ng Ibon Foundation, na malaking tulong sana ang makabuluhang dagdag-sahod sa pag-agapay sa mga manggagawa sa panahong tuluy-tuloy ang taas-presyo ng langis at batayang mga bilihin. Makakatulong din sana sa mga manggagawa ang kaseguruhan sa trabaho, o ang pagbasura sa laganap na praktika ng kontraktuwalisasyon.

Pero nauna nang tinanggihan ng rehimeng Duterte ang pagtupad sa ipinangako niya noong tumatakbo pa lang siya – ang pagbasura sa kontraktuwalisasyon, ang taas-sahod.

Samantala, ang pagtalikod na ito ni Duterte sa mga pangako niya sa mga manggagawa ay bahagi lang ng mistulang pagpapasahol niya sa kalagayan ng mga mamamayan. Nakapaloob ito, ayon sa Ibon, sa pakete ng mga polisiyang neoliberal sa ekonomiya na itinutulak ng gobyernong US. Pagpapatuloy lang ito sa dati nang mga polisiya ng nakaraang mga rehimen, pero sa ilalim ni Duterte, pinatindi niya ang pagpapatupad nito. “Patuloy na pinagkakakitaan ng lokal na elite at dayuhang kapital ang pinakamahihirap na mayorya na namomroblema sa tumataas na bilang ng kawalan-ng-trabaho, mababang sahod, mataas na mga presyo, mabibigat na mga buwis at bulok na mga serbisyong pampubliko,” ayon sa executive summary ng Ibon Foundation sa inilunsad nitong BirdTalk, o talakayan hinggil sa kalagayang pang-ekonomiya at pampulitika ng bansa, noong Enero 17 sa Quezon City.

Pinalalala pa, siyempre, ang problemang ito, ang sunud-sunod na korupsiyon at kontrobersiya sa ilalim ni Duterte. Sa kabila ng madugong giyera kontra droga, nadadawit ang ilang piling opisyal ni Duterte sa malakihang smuggling ng ilegal na droga. Pati ang anak ng presidente, si Davao Vice Mayor Paolo Duterte, ay nasasangkot dito. Pinalalala din ito ng pagpapabor ng rehimeng Duterte sa gobyernong Tsino, kabilang ang pagbibigay ng malalaking kontrata sa mga kompanyang Tsino sa ilalim ng programang pang-imprastraktura na Build! Build! Build! na inaasahang lalong magpapalugmok sa bansa sa utang.

Sa harap ng tumitinding krisis na ito sa ekonomiya, inaasahan ang tumitindi ring pagtutol at protesta ng mga mamamayan. Hindi kataka-taka, kung gayun, kung bakit pinaiigting ni Pangulong Duterte ang pasistang panunupil sa bansa. Kasalukuyan, ayon sa maraming tagamasid sa pulitika ng bansa, may de facto (o hindi inaanunsiyo pero nangyayari na) martial law na sa bansa.

De facto batas militar

“Dinodoble na ng paksiyong Duterte ang mga hakbangin nito para palawakin pa kapangyarihan nito at palawigin ang pamumuno nito nang walang palugid,” sabi ng Ibon.

Kasalukuyan, itinutulak nito ang Charter Change o pagpalit sa Saligang Batas ng bansa, sa Kongreso, sa pamumuno ng dating pangulo, at alyado ngayon ni Duterte, na si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Sa panukalang Charter Change na ito, ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na aktibo sa isyu, ang “pinakamasahol na Cha-cha sa kasaysayan.” Paliwanag niya, bahagi ng panukala na gawing sa 2022 na ang sinuod na halalan sa ilalim ng bagong Saligang Batas – ibig sabihin, kung maipapasa nga nila ang Cha-cha bago Mayo 2019, posibleng hindi pa matuloy ang halalan. Ibig din sabihin, palalawigin pa ang termino ng kasalukuyang nakaupong mga kongresista at senador sa bansa.

 Sa naturang Cha-cha ni Arroyo, sabi ni Colmenares, nakasaad din na kung sakaling bumaba sa puwesto o pumanaw ang kasalukuyang Pangulo, ang bise-presidente ang aaktong presidente hanggang maganap ang halalan. Pero “acting president” lang ang bise – taliwas sa nakasaad sa kasalukuyang Konstitusyon na ang bise ang magiging presidente sa panahong mawawala ang nakaupong presidente.

Nakapasok din sa Cha-cha na ito ang mga panukala sa pagpayag sa 100 porsiyentong pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga lupain sa Pilipinas. Pinahihintulutan din ng Cha-cha ni Arroyo ang 100 porsiyentong pag-aari sa mga industriyang katulad ng midya.

Para kontrahin ang tiyak na tumitinding galit ng mga mamamayan, tumitindi rin ang panunupil ng rehimen. Sa tala ng Karapatan hanggang Nobyembre 2018, sa ilalim ng giyerang kontra-insurhensiya na Oplan Kapayapaan ay nagkaroon na sumusunod na mga paglabag:

  • 216 extrajudicial killngs;
  • 378 biktima ng tangkang pagpatay;
  • 100 biktima ng tortyur;
  • humigit-kumulang 2,000 biktima ng ilegal na aresto;
  • 71,520 biktima ng banta at panghaharas;
  • 447,963 indibidwal na biktima ng sapilitang paglikas sa kanilang mga komunidad dahil sa mga pagbomba at operasyon.

Mistulang tuluyan nang sinara ni Duterte ang pinto sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na kumakatawan sa rebolusyonaryong kilusan sa bansa. Ilang ulit na niyang idineklara na magkakaroon ng crackdown o malawakang paghuli sa mga progresibong organisasyon. Noong Disyembre, inanunsiyo na ni Duterte ang pagbubuo ng National Task Force to End Communist Insurgency. Sa task force na ito, pinakikilos ng Pangulo hindi lang ang militar kundi ang buong burukrasya ng gobyerno, para labanan diumano ang rebolusyonaryong kilusan. Noong Nobyembre naman, matatandaang naglabas din siya ng Memorandum Order No. 32, na nag-utos sa militar na buhusan ng puwersa ang isla ng Mindanao, ang rehiyon ng Bikol, gayundin ang mga probinsiya ng Samar at Negros.

Ang huling probinsiya, nasampolan na noong Diyembre 27. Ayon sa Karapatan, grupong pangkarapatang pantao, pinangunahan ng 302nd Infantry Brigade at 94th Infantry Battalion ng Philippine Army, katuwang ang Philippine National Police, ang serye ng mga atake sa mga komunidad ng mga magsasaka. Sa ulat na umabot sa grupo, may anim (6) na kataong napaslang—pawang mga lidermagsasaka o miyembro ng progresibong organisasyon ng mga magsasaka sa Negros.

Samantala, 16 katao naman ang inaresto, karamiha’y mga organisador sa hanay ng mga magsasaka. “Ayon sa kaanak ni Margie Vailoces (isa sa mga inaresto), walang mandamyentong ipinakita ang mga pulis at militar sa tahanan ng pamilyang Vailoces,” ayon kay Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Siyempre, nariyan din ang extrajudicial killing kay Randy Felix Malayao, konsultant pangkapayapaan ng NDFP, noong Enero 30 sa Nueva Ecija. Mula noong nakaraang taon, pinaghuhuli rin at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso ang mga konsultant ng rebolusyonaryong kilusan tulad nina Adelberto Silva, Vicente Ladlad, Ferdinand Castillo at Rey Casambre.

Mukhang desidido ang rehimeng Duterte na supilin ang pampulitikang mga puwersa mula sa progresibong kilusan na pinaka-epektibong lumalaban sa mga polisiya nito. Ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), naglabas pa ang Securities and Exchange Commission ng “ilegal” na Memorandum Circular No. 15 na naglalayong uriratin ang pinagmumulan ng pondo ng nongovernment organizations (NGOs) at mistulang hadlangan ang kanilang mga operasyon. Marami sa mga progresibong grupo ay rehistradong NGO sa SEC ng gobyerno.

Pero katulad ng nakaraang matitinding krisis sa pulitika at ekonomiya—sa Pilipinas man o sa ibang bansa—iniluluwal lang ng matinding panunupil ang lalong matinding pagtutol. “Maaaring masilaban ito ng isa o bungkos ng mga pangyayari— flashpoints na katulad ng isang matinding pagbagsak sa ekonomiya, o, katulad ng nakaraan, matinding korupsiyon, o mga isyung elektoral na dumudulo hanggang sa presidente,” ayon sa Ibon. Ibig sabihin, kung itutuloy ni Duterte ang lalong pagsupil sa mga mamamayan, titindi rin ang paglaban.


Di lang labag sa soberanya, mapanira rin sa kalikasan

$
0
0

Hindi binigyang pansin sa Chico River Pump Irrigation Project (CRPIP) Environmental Impact Statement (EIS) ang epekto ng climate change dito.

Ayon ito sa Cordillera People’s Alliance (CPA), organisasyong kauna-unahang ginawaran ng Gawad Bayani ng Kalikasan mula sa Center for Environmental Concerns Philippines.

EIS ang pananalaksik na kailangang magawa ng kompanya para mapag-aralan ang magiging epekto ng isang proyekto sa kalikasan at sa maaaring maging tugon dito.

Giit ni Windel Bolinget, tagapangulo ng CPA, lumalabas sa EIS na hindi na inusisa pa ng gobyerno kung papaano makakaapekto ang matinding tagtuyot sa lebel na tubig ng ilog.

“Sa kasalukuyan, dagok para sa mga magsasaka sa Kalinga ang kawalan ng tubig na gagamitin sa irigasyon tuwing taginit dahil sa bumababang lebel ng tubig sa Chico River,” ani Bolinget.

Tinuturing ang Chico River bilang ilog ng buhay ng mga komunidad sa Kalinga at Bontoc. Dahil sa ilog, nagiging posible ang wet at rice farming. Dahil naman sa siyam na aprubadong hydropower projects sa bahagi ng Chico River sa Kalinga, manganganib na ang kabuhayan at kaligtasan ng mga komunidad.

“Maiistorbo ng mga proyekto ang natural na daloy ng Chico River at kapag dumating ang tagtuyot at kalakhan ng tubig ay nakaimbak sa dam reservoirs, lalala ang kakulangan ng tubig sa bahaging downstream, kung saan binabalak mag-operate ng CRPIP,” paliwanag ni Bolinget.

Sinubukan pang tuligsain ni dating National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Kalinga provincial officer Natividad Sugguiyao ang pahayag ni Bolinget at ng CPA na may siyam na proyekto. Sa kaalaman daw ni Sugguiyao, dalawang proyekto lang sa Kalinga ang nagsasagawa ng free, prior and informed consent process (FPIC).

Pero makikita sa website ng Department of Energy na tunay ngang may siyam na awarded projects sa Kalinga. Kung tutuusin, aabot pa ito ng 18 kung isasama ang mga proyekto sa Mountain Province.

“May katotohanan mang dalawang proyekto ang sumasailalim sa FPIC, hindi natin puwedeng talikdan ang katotohanang naaprubahan na ang marami pang proyekto sa ilog at sa mga sanga nito,” sabi pa ni Bolinget.

Konstruksiyon sa Chico River Pump Irrigation Project. Windel Bolinget

Bahagi rin itong FPIC, o ang pahintulot na hinihingi mula sa komunidad na maapektuhan ng mga proyekto, sa mga bahagi ng CRPIP na hindi nakitang nasagawa nang maayos ng mga miyembro ng pambansang minorya.

“Hindi hiningi ang FPIC, o pahintulot, ng mga indigenous people bago nagkapirmahan sa loan,” giit ni Sarah Dekdeken, tagapagsalita ng CPA, “at hindi na rin binigyang halaga ang pahintulot na ito bago simulant ang konstruksyon para sa proyekto.”

Nagsimula na ang “earth-moving” ng National Irrigation Administration (NIA) Region 2 habang sinasagawa pa lamang ang FPIC, pahayag ni Kalinga NCIP Director Catherin Gayagay-Apaling sa Northern Dispatch (Nordis). Sa ulat ng Nordis, pinaliwanag ni Gayagay-Apaling ang ginawa ng NIA na diretsong pakikipagtalakayan sa mga may-ari ng lote.

Ang mga lupang ninuno sa Pinukpuk at Magaogao ang maaktuhan ng proyekto. Ganoon na rin ang mga komunidad ng katutubo at magsasakang umaasa sa tubig mula sa Chico River.

Martial Law sa panahon ni Duterte

$
0
0

Para sa maraming Pilipino, ang Martial Law ng nasirang pangulong si Ferdinand Marcos ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng ating kasaysayan. Ipinuwesto ni Marcos ang sarili bilang pasistang diktador at ginamit ang buong armadong puwersa ng Estado laban sa oposisyon at sa lumalawak na paglaban ng mga mamamyan.

Libu-libo ang naging biktima ng pagpatay, pagdukot, pagtortiyur, arbitraryong pagbilanggo, marahas na pagbuwag sa mga welga at protesta, at iba pang paglabag sa karapatang pantao na hanggang ngayo’y wala pang nakakamit na tunay na katarungan.

Kaya naman labis na nakakabahala, kung hindi nakakagalit, ang pagmamaniobra ngayon ng administrasyong Duterte na ibalik ang lagim ng batas militar. Mabigat ang batayan ng iba’t ibang organisasyon, mga institusyon at ng mga eksperto sa kanilang paggiit na umiiral ngayon ang de facto o hindi deklaradong Martial Law sa buong bansa.

Martial Law

Di deklarado pero umiiral ang Martial Law. Ramdam na ramdam ito sa buong bansa lalo ng mga manggagawa, magsasaka, kabataan, katutubo at iba pang sektor na sinasalanta ng mga atake ni Duterte sa kanilang mga karapatan.

Nauna nang ipinataw ni Duterte ang deklaradong Martial Law at pagsuspinde ng writ of habeas corpus sa buong Mindanao sa bisa ng Presidential Proclamation 216 noong Mayo 23, 2017. Layunin daw nitong sugpuin at pigilan ang paglaganap ng noo’y idineklara na nilang kontrolado nang “teroristang atake” sa Marawi. Pero sa nakalipas na mga taon, makailang-ulit na itong pinalawig ng Kongreso hanggang sa katapusan ng 2019.

Samantala, umiiral naman ang de facto Martial Law sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa bisa ng Joint AFP-PNP Campaign Plan (Oplan) Kapanatagan. Ito ang kontra-insurhensiyang programa ni Duterte na bunga ng nilagdaang niyang Executive Order No. 70 na naguutos ng pagbuo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Gumagamit umano ito ng “whole-of-nation approach” o pagpapakilos sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa layuning tuluyang sugpuin daw ang Communist Party of the Philippines, ang New People’s Army at National Democratic Front of the Philippines sa taong 2022.

Pero sa halip na mapatanag, lagim at karahasan ang hinahasik ng Kapanatagan sa iba’t ibang dako ng bansa lalo na sa mga rehiyon sa Visayas at Luzon na sinasalanta ngayon ng matinding militarisasyon at operasyong psy-war laban sa mga pinagbibintangan nilang kasapi o tagasuporta ng CPP-NPA-NDFP.

Nagpahayag na ng pagkabahala ang iba’t ibang institusyon at ahensiyang pandaigdig sa gera kontra-insurhensiyang programa ni Duterte. Matatandaang nauna nang nagpasa ng resolusyon Ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) para imbestigahan ang lumalalang paglabag sa karapatanang tao sa bansa. Samantala, ang International Labor Organization (ILO), sa pangunguna ng iba’t ibang pandaigdigang pederasyon sa paggawa ay nagpahayag ng kagustuhang magpadala ng high-level mission para imbestigahan ang talamak na pagpatay at ilegal na pag-aresto sa mga unyonista at lumalabang manggagawa.

Ito’y matapos muling maihanay ang Pilipinas sa isa sa sampung bansang pinakamasahol sa karapatan sa paggawa sa buong daigdig ng International Trade Union Confederation. Samantala, tuluy-tuloy ang ilegal na pag-aresto at pagsampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga unyonista, aktibista, mga consultant sa usapang pangkapayapaan at mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao.

Sa Kabisayaan, nananalasa ang Oplan Sauron, pangrehiyong kontra-insurhensiyang programa ng NTF-ELCAC, na itinuturong nasa likod ng malawakang patayan sa Negros at iba pang atake sa karapatan ng mga magsasaka, manggagawa, mga abogado, taong simbahan, lokal na mga opisyal at mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa rehiyon.

Sa Kamaynilaan, malawakan ang ilegal na pag-aresto, panghaharas at pananakot laban sa mga unyonista, mga aktibista at tagapagtaguyod ng karapatang pantao ng pinagsanib na puwersa AFP at PNP sa ilalim ng Implementation Plan Kalasag, lokal na bersiyon ng Kapanatagan sa Kamaynilaan.

Taktika rin ng panlalansi ang pagpapakalat ng AFP, PNP, at iba pang ahensiya ng gobyerno ng kasinungalingan at paninira sa legal na mga organisasyong pinagbibintangang “prente” ng CPP-NPA-NDFP. Kabilang sa mga ito ang red-tagging, pagbabandera ng mga pekeng sumukong rebelde (fake surenderees), pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso, at iba pa.

Kamakailan, ginamit pa ng AFP at PNP sa pangunguna mismo ni dating PNP Chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang magulang ng mga kabataang aktibista para magkalat ng intriga at magpalutang ng gawa-gawang kaso ng kidnapping laban sa Kabataan Party-list at Anakbayan para ikatwiran ang panghihimasok ng militar sa mga paaralan na matagal nang ipinagbabawal ng batas.

Noong Pebrero 1, 2019, dinukot at ilegal na ikinulong ng mga puwersa ng AFP ang mga lider ng unyon sa Musahamat Farms, Inc. sa Compostela Valley. Ayon sa mga lider ng unyon, sinabihang hindi sila umano palalayain hangga’t hindi pumi pirma ng kasunduang umaaming sumukong mga rebelde at bawiiin ang pagkasapi ng unyon nito sa Kilusang Mayo Uno. Sa harap ng pananakot, napilitang pumirma ang mga manggagawa at di kalauna’y ipinrisinta sa media bilang rebel surrenderees.

Kamakailan, inanunsyo mismo ng AFP sa pamamagitan ng Philipipine News Agency ang disaffiliation ng Musahamat Workers Labor Union (MWLU) mula sa KMU at di umano’y nagtayo na ng bagong union sa tulong ng AFP.

Lumalabas na ang totoong ibig sabihin ng “whole-of-nation approach” ng AFP at PNP ay walang iba kundi paggamit ng buong rekurso ng gobyerno para sa malawakang kampanyang panunupil at panlalansi sa sambayanan.

Diktadura

Walang deklaradong Martial Law pero gaya noong panahon ni Marcos, hawak na din ni Duterte ang buong kapangyarihan ng gobyerno mula sa ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

Tila isang “military junta” ang nagpapatakbo sa ehekutibo dahil sa pagluklok ni Duterte sa lampas 60 na opisyal ng AFP at PNP sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Samantala, nakuha naman niya ang hudikatura sa pamamagitan ng pagpapatalsik kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno dahil sa malakas nitong pagtutol sa mg autos ni Duterte kaugnay ng giyera kontra droga. Nagawa namang dominahin ng mga alyado ni Duterte sa Senado at Kongreso sa nagdaang halalan sa kabila ng mga alegasyon ng malawakang pandaraya at karahasan sa mga pambato ng blokeng Makabayan at oposisyon.

Susi ang paghawak ni Duterte sa buong makinarya ng gobyerno sa pagpapataw ng kanyang diktadura. Madali na niyang maipatutupad ang mga pasistang patakaran gaya ng pagbawi ng Anti-Subversion Law, pagpapatupad ng Human Security Act, ang matagal na niyang pinapangarap na huwad na pederalismo, at iba pa.

Kung tutuusin, di na nga niya kailangan ng pormal na deklarasyon ng Martial Law dahil hawak na niya ang buong kapangyarihan ng gobyerno. Sakaling may tumutol, napakadali naman para sa kanya na supilin ito sa pamamagitan ng pag-imbento ng mga kaso o sa simpleng pagdawit sa mga ito sa droga o kriminalidad gaya ng ginagawa niya sa mga kilalang lider ng oposisyon.

Hindi ligtas kay Duterte ultimo ang midya. Gaya ni Marcos, pilit ding binubusalan ang malayang pamamahayag sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pagbubusal, panunupil, pananakot, panggigipit at paninira. Kamakailan, walang pakundangan nitong pina-aresto ang CEO ng Rappler, online media na kilalang tumutuligsa sa war on drugs ni Duterte, na si Maria Ressa sa bisa ng mga gawa-gawa at hinalukay na kaso.

Kung si Marcos, may malupit na kampanya para sa “disiplina”, si Duterte nama’y may kampanya “kontra-droga at kriminalidad”. Gaya ni Marcos, ginagamit ang pekeng mga kampanyang ito para maghasik ng takot at pilitin ang mga mamamayan na manahimik at sumunod na lamang kung ayaw mabiktima ng Tokhang o mabansagang “nanlaban”.

Diskontento

Pero bakit kailangan ni Duterte ng Martial Law? Tulad ni Marcos, kinakailangan nang gumamit ng labis-labis na karahasan para supilin ang lumalalang diskontento ng sambayanan sa kanyang mga bigong pangako at kontra-mamamamyang mga patakaran.

Pinupuntirya ng atake ni Duterte ang mga kilusang paggawa dahil sa lumalawak at lumalakas na pagtutol at protesta ng nagakakaisang-hanay ng mga manggagawa sa lumalala at nalegalisa pang kontraktuwalisasyon, patuloy na pagbarat sa sahod, laganap na kawalang trabaho, masahol na kalagayan sa paggawa, marahas na pagbuwag sa kanilang mga lehitimong protesta at welga, at pagbabawal sa kanilang mag-unyon.

Nagpoprotesta ang mga magsasaka dahil sa pagpapatuloy ng huwad na programang reporma sa lupa, pangangamkam ng mgalupang sakahan para gawing plantasyon ng multi-national na mga korporasyon at pagpapatupad ng mga patakarang makadayuhan gaya ng Rice Tariffication Law na pumapatay sa lokal na agrikultura.

Nagrereklamo ang taumbayan dahil sa walang puknat na pagtaas na presyo ng bilihin at bayarin sa serbisyo na dinudulot ng programa ni Duterte ng malawakang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon.

Umaangal ang mga Pilipino dahil lantarang pinagkakanulo ni Duterte ang soberanya at teritoryo ng bansa sa China, sa US at sa iba pang imperyalistang kapangyarihan. Sa huling pagdalaw nito sa Pangulo ng China na si Xi Jinping, humingi pa mismo si Duterte ng paumanhin sa paggigiit ng Pilipinas sa karapatan natin sa West Philippine Sea.

Nagkakaisa ang iba’t ibang sektor sa pagtuligsa sa “pekeng” giyera kontra-droga, mga mapanupil na polisiya at tiraniya ni Duterte dahil gusto nilang itaguyod ang demokrasya at kalayaan ng bansa.

Si Duterte mismo ang nagbibigay ng dahilan sa mga mamamayan para maging kritikal, tuligsain at magprotesta laban sa kanyang administrasyon. Tiyak na lalo pang titindi ang diskontento dahil sa tuluy-tuloy na pagraratsada ni Duterte ng napakarami pang patakarang nagpapasahol sa kahirapan, kagutuman at pagkabusabos ng mga Pilipino.

Laban bayan

Makailang-ulit nang napatunayan na sa kasaysayan na hindi basta-basta yumuko ang mga Pilipino sa mga diktador. Gaya ng Martial Law ni Marcos, makakaasa din si Duterte na hindi mananahmik lang ang sambayanang Pilipino sa harap ng kanyang pinaiiral na diktadurang paghahari.

Ngayon pa lang, kaliwa’t kanang welga na ang inilulunsad ng mga manggagawa na humahamon sa Martial Law ni Duterte lalo na sa export processing zones. Libu-libong estudyante na rin ang nagsagawa ng walk-out sa klase para tutulan ang panghihimasok ng militar at pulis sa mga kampus.

Samantala, lalo namang humihigpit ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor at grupong tutol sa pagpapanumbalik ng Martial Law at diktadura sa bansa. Nakatakda ang isang malaking pambansang protesta laban sa Martial Law at tiraniya ni Duterte sa Setyembre 20, isang araw bago ang anibersaryo ng Martial Law ni Marcos.

Inaasahan namang magsusunud-sunod at lalaki ang mga protesta laban sa Martial Law ni Duterte sa susunod pang mga buwan habang tumitindi ang mga pasistang atake sa mga mamamayan. Gaya ng paggulong ng mga protesta laban sa batas militar ni Marcos noon, maaaring dumulo rin ito sa panibagong “People Power” na magwawakas sa diktadurang Duterte.

Tigil-pasada, pagkakaisa ng madla

$
0
0

Hinubad na ng mga drayber ang suot na Du30 ballers, binakbak ang Du30 stickers na nakadikit sa harap ng kanilang mga jeepney, at, kasama ang mga komyuter, nagsagawa sila ng dalawang-araw na welga kontra phaseout ng mga jeepney sa buong bansa. At dahil sa mga pagmumura ni Pangulong Duterte sa kanila, nangako ang mga drayber na susundan pa nila ang mga tigil-pasada — baka maging buwanan na.

Sa kabila ng pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hindi gaanong maaapektuhan ng welgang jeepney ang kaayusan sa kalsada, tila aligaga ang Malakanyang na nagsuspinde ng pasok sa pampublikong mga opisina’t paaralan, maging sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Stock Exchange (PSE).

Sa pagtatapos ng dalawang-araw na tigil-pasada, inanunsiyo ni George San Mateo, tagapangulo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston): naparalisa ang aabot sa 90 porsiyento ng mga biyaheng jeepney sa buong bansa.

Sa pagdinig naman ng Kamara sa isyu ilang araw makaraan ang tigil-pasada, isa-isa nang nagsunuran ang iba pang grupong transport, tulad ng Stop&Go Coalition, at nagsabing susuporta sila sa susunod na mga tigil-pasada para labanan ang planong pagpawi sa kanilang mga sasakyan na nagbibigay ng murang serbisyo sa kabila ng kakulangan ng pampublikong sistema ng transport sa bansa.

‘Holdap’

Ito na ata ang pinakalakas na protestang nairehistro ng sektor ng transport kontra sa planong jeepney phaseout. Noong nakaraang linggo, gumarahe muna ang mga jeepney para ipanawagan ang pagbasura sa kasalukuyang “modernization” program ng Department of Transportation (DOTr) na pinangangambahang magtatanggal ng kabuhayan sa higit 600,000 drayber o 2.4 milyon katao kasama ang kanilang pamilya.

Sa pagkakataon ding ito, umani ng suporta ang mga drayber at operator, sa hanay ng mga komyuter na siyang direktang tatamaan din ng jeepney phaseout.

“Naniniwala kami na itong ginagawang modernization program, sa aktuwal ay parang isang porma ng panghoholdap na ginagawa ng gobyerno sa ating mga tsuper at pasahero,” ani Ron Villegas, tagapagsaliksik ng Crispin B. Beltran Resource Center (CBBRC). Kasama ang CBBRC, institusyon ng mga manggagawa sa bansa, sa mga komyuter na nagpahayag ng suporta sa tigil-pasada kontra sa jeepney phaseout.

Peke umano ang modernisasyong gustong ibigay ng programa.

Ang isang yunit ng e-jeep ay nagkakahalaga ng mula P1-Milyon hanggang P1.8-M depende sa manufacturer na karamihan ay mga dayuhan. Aabot ng hanggang P18,000 o P800 kada araw ang kailangang bunuin ng mga drayber kada buwan.

Serbisyo, gagawing negosyo

Ayon sa DOTr, may ipinapangakong P80,000 subsidyo ang gobyerno kada yunit para sa paunang bayad o downpayment na makakagaan naman sa milyong halaga ng isang e-jeep. Ayon pa sa ahensiya, mas maraming puwedeng isakay sa e-jeep kung kaya mas malaki ang kikitain dito.

Sino ba ang tunay na kikita sa e-jeep? Ayon sa mga drayber at maliliit na operator, tiyak raw na hindi sila.

Ang mga operator, para makakuha ng prangkisa ng e-jeep, mangangailangan ng di-bababa sa P20-Milyon. Kailangang magkaroon ng 20 yunit ng e-jeeps ang isang operator para magkaroon ng prangkisa. Dahil dito, malalaking kompanya lang ang may kakayahang mamuhunan sa bagong sistemang ito.

Napatunayan ito sa mga nagsulputang linya ng e-jeep na puro malalaking kompanya ang may-ari. Malalaking kompanya din na kasosyo ng malalaking dayuhang kompanya ang tanging manufacturers nito. Isang halimbawa nito ang QEV Philippines Electromobility Solutions and Consulting Group Inc. na pagmamay-ari ng mga Aboitiz.

Sa ibang bansa rin manggagaling ang mga makina ng mga e-jeep na ipapalit sa tradisyonal na jeep, tulad ng General Motors at Toyota. Samantala, kopo naman ng Ayala Corp. at Metro Pacific ni Manny Pangilinan ang sistema ng pagbayad ng pamasahe na katulad ng sa MRT/LRT: ang Beep Card.

Dahil umano sa pagpasok ng mga negosyante sa industriya ng transportasyon, hindi malayong ipasa sa mga komyuter ang pagpasan para mahabol ang mas mataas na return of investment ng mga kompanya. Sa halip na serbisyo publiko, papatayin nito ang lokal na industriya at gagawing gatasan ang sektor ng transport ng mga dati nang mayayaman.

“Hindi lang mga drayber ang tatamaan ng pag-phaseout. Matindi rin ang magiging epekto nito sa mga mananakay. Titiyakin nitong malalaking korporasyon ang balik sa kanilang investment. Saan nila kukunin iyon? Sa pagtataas ng pamasahe. Ibig sabihin ang maghihirap sa modernization program ay ang ating mga tsuper, mga maliliit na operator at ang ating pasahero,” ani Villegas.

Inihalimbawa nila ang nangyaring pagtataas ng pamasahe sa LRT1 mula nang pasukin ito ng mga pribadong korporasyon. Nangako umano ang mga Ayala na pagagandahin ang serbisyo bilang kapalit ng mas mataas na pamasahe, pero sunud-sunod ang naging perwisyo nito sa mga mananakay na nagtitiis sa mataas na pamasahe.

Alternatibo

Nais ng mga sumama sa welgang jeep na bumuo ng modernization program ang gobyerno nang isinasaalang-alang ang interes ng mga mamamayan—isang panibago, episyente, at nasyonalisado o pagmamay-ari ng publiko, hindi ng mga korporasyong naghahabol ng tutubuin mula sa mga mananakay.

Rekomendasyon nila na sa halip na tuluyang tanggalin sa mga kalsada ang tradisyonal na jeep ay tulungan sila ng gobyerno sa rehabilitasyon ng mga ito.

Kung naisasabansa ang public transport system, magiging mura ang serbisyo nito dahil wala itong hinahabol na malaking kita para sa malalaking negosyante at dayuhan.

Ang pagbubuo din umano ng programa para sa pambansang industriyalisasyon ay magbibigay ng pangmatagalang solusyon sa ganitong mga problema. May kakayahang bumuo ang Pilipinas ng sarili nitong idustriya na gagawa ng e-jeep na mas mura ang halaga dahil marami tayong pagkukunan ng materyales sa bansa.

Noong eleksiyon, sinuportahan ng mga drayber at operator si Duterte dahil nangako itong babaliktarin ang mga polisiyang neoliberal ni Bengino Aquino III na maaaring magtuloy sa katauhan ni Mar Roxas. Pero itutuloy din pala ni Duterte ang sinimulang jeepney phase-out ng noo’y kalihim sa transportasyon na si Roxas.

Hiling ng mga drayber at operator na samahan sila ng mas maraming bilang pa na mga mamamayan sa kanilang malubak na biyahe kontra jeepney phaseout. Nakakuha ng malawak na suporta ang sektor ng transport nitong huling tigil-pasada. Umaasa sila, sa susunod, na lalong hihigpit ang pagkakaisa ng mga mamamayan dahil ang kinabukasan ng bansa sa sistema ng transportasyon ang nakataya rito.


 

Niyurakan, pinagtaksilan

$
0
0

Malaon nang larangan ng tunggalian ang West Philippine Sea (WPS) para sa Pilipinas at China—kapwa mga bansang may nakatayang malaking interes sa pinaglalabanang teritoryo.

Hamon ng pagtindig at pagtatanggol sa teritoryong dagat at eksklusibong sonang pang-ekonomiya (EEZ o exclusive economic zone) ang nakataya para sa Pilipinas. Samantala para sa China, nakataya naman ang pag-angkin at pagmamay-ari sa isa sa mga pinaka-estratehikong daanan ng pandaigdigang kalakalang dagat (global maritime trade), gayundin ang pagsasamantala sa labis labis na likas-yamang matatagpuan sa WPS.

Pinakahuli ang nangyaring insidente sa Recto Bank noong Hunyo sa halos isang dekadang girian sa pagitan ng Pilipinas at China para sa pagmamay-ari ng WPS, teritoryong tinuturing na isa sa pinaka-estratehiko at pinakamayamang karagatan sa buong mundo.

Gayunpaman bago nito, mahaba na ang listahan ng girian na nagsimulang uminit noon pang taong 2011. (Tingnan ang talahanayan)

Pandarambong sa likas-yaman

Sa kabila ng makasaysayang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) noong 2016 na pumabor sa Pilipinas sa pagsabing bahagi ng EEZ nito ang WPS, walang habas pa rin ang paglabag ng China sa karapatang soberanya (sovereign rights) ng bansa sa nasabing teritoryo. Lansakan ang pagsasamantala ng China sa karagatan sa pamamagitan ng mga tinatayong artipisyal na imprastraktura’t pandarambong sa walang kapantay na likas yaman ngWPS.

Sa katunayan, sa pag-aaral ng United States Geological Survey (USGS), mayroong malalaking reserba ng langis at natural gas sa WPS at matatagpuan ang malaking bilang nito sa Recto Bank. Sa tantya ng USGS, aabot ng mahigit 10 bilyong bariles ng langis at 190 trilyong cubic feet ng natural gas ang nasa WPS.

Samantala, sa libro ng geopolitical analyst na si Robert Kaplan, binabanggit nitong maaaring umaabot pa nga hanggang 130 bilyong bariles ng langis ang tantyang bilang na matatagpuan sa WPS.

Pumapangalawa ito kung gayon sa reserbang langis na matatagpuan sa Saudi Arabia at matuturing na “ikalawang Persian Gulf ”. Dagdag pa rito ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, napakalaki ng potensiyal na mawawala sa Pilipinas kung pipiliin nitong manahimik sa pagtatanggol sa karagatang teritoryo nito.

Ani Carpio, pinaglalawayan ng China ang pag-angkin at ang ekplorasyon dito dahil sa malaking potensiyal nito sa methanol (alternatibong biofuel) na kayang patakbuhin ang ekonomiya ng China hanggang sa susunod na 130 taon.

Infographic: Darius Galang

Infographic: Darius Galang

Pagyurak sa kalikasan

Samantala, sa nilabas na pahayag ng mga marine scientist mula sa Unibersidad ng Pilipinas, hinimok nilang ipagtanggol ng mamamayan ang WPS bilang bahagi ng pangangalaga ng karagatan ng bansa at dahil sa halaga nito sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Ayon sa mga ito, 40 porsiyento ng EEZ ng bansa ay binubuo ng WPS. Dahil dito, napakalaki ng halaga nito sa usapin ng food security sa panahong lubhang paliit na nang paliit ang industriya ng pangingisda sa bansa.

Tinatayang 1/10 ng kabuuang huli sa buong mundo ay nagmumula sa WPS.

Ayon sa pahayag, “Napakayaman din ng lugar sa mga coral, taklobo (giant clam), seaweed, seagrass, marine animals at microorganisms. Napakalaki ng potensiyal nito bilang mayamang mapagkukunan ng bagong gamot at iba pang bioteknikal na produkto. Napakalalaking kawalan sa mga susunod na henerasyon ang pagkayurak ng mga tirahan at likas yaman na ito.”

Dagdag pa ng grupo, hindi malayong mangyari ang isang malawakang pinsala sa kalikasan kung papahintulutan ang pangangamkam ng China sa WPS.

Protesta sa harap ng embahada ng China sa Makati. <b>Amirah Lidasan/File Photo</b>

Protesta sa harap ng embahada ng China sa Makati. Amirah Lidasan/File Photo

Paninikluhod

Sa kagustuhang hindi masaling ang damdamin ng China, handang isantabi ni Pangulong Duterte ang makasaysayang desisyon ng PCA na nagpapatibay sa teritoryal na pagmamay-ari ng Pilipinas sa WPS.

Handa itong isakripisyo ang nasabing lugar kapalit ng pagpasok ng pautang ng China na siyang popondo sa programang Build, Build, Build ng rehimen.

Kahit malinaw at lantaran ang hindi patas na katangian ng mga kasundua’t proyekto, handang sang-ayunan ng pangulo. Matatandaang Abril ng nakaraang taon, ito pa mismo ang nag-alok sa 60-40 na hatian ng kita sa pagitan ng Pilipinas at China sa usapin ng joint exploration ng langis sa lugar.

Sinasabing ganito rin ang pagtanggap ng pangulo pagdating sa iba pang mga kasunduan gaya ng pagtatayo ng imprastraktura sa pagitan ng China kung saan lubhang talo ang bansa.

Soberanya, pambansang kalayaan

Sa kabila ng kawalan ng gulugod ng gobyerno para tindigan ang usapin ng WPS, nag-aalab naman ang damdamin ng mamamayan at makabayang mga organisasyon para patuloy na ipagtanggol ang soberanya ng bansa.

Himok ni Kabataan Rep. Sarah Elago, “Kinakailangang magpatuloy ang protesta at ipakita na nariyan at nariyan ang mamamayang nagmamahal at handang tumindig para sa Pilipinas.”

Kalasag ng mapagsamantala

$
0
0

Noong Pebrero 14, pinatawag ni Onie Matias, chairman ng Barangay 175 Camarin ng Caloocan City, si Maricor Zablan, isang miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa Caloocan.

Sa barangay, nagpakilala sa kanya ang isang Major Jeoffrey Braganza ng Philippine Army. Nagtanong ito tungkol sa progresibong mga organisasyon: Gabriela, Kadamay at Bayan Muna, at kung sino-sino ang mga miyembro nito sa Camarin. Hindi niya ito sinagot. Sunod na buwan, Marso 27, sa bahay na siya pinuntahan ni Major Braganza. Sa pagkakataong ito, may kasamang pananakot: Huwag na raw sumama sa mga organisasyon ng Gabriela, Bayan Muna at Kadamay.

Samantala, Pebrero 18 naman nang ipatawag sa parehong barangay si Eufemia “Nanay Mimi” Doringo, kilalang pambansang lider ng Kadamay. Nagpakilala muli si Major Jeoffrey Braganza bilang bahagi raw ng JTF-NCR o Joint Task Force-National Capital Region ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Magsasagawa raw sila ng peace caravan at hinihikayat niya si Nanay Mimi na imbitahan siya sa mga meeting ng Kadamay. Nagalok din si Braganza ng mga proyektong pangkabuhayan, at nagpapatulong na makapagpaniktik sa Kadamay, pati sa lokal na homeowners’ association. Nagpalitrato pa ang dalawang militar sa kanya para daw sa dokumentasyon.

Sa panahon ng eleksiyon at lalo na pagkatapos nito, biglang dumami ang bilang ng mga sundalong pumupunta sa mga komunidad sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (Camanava) at Quezon City, lalo na sa mga komunidad na may nakatayong mga tsapter ng Kadamay, Gabriela at Bayan Muna. Nitong Hunyo, nagkampo na sila sa Camanava.

Samantala, mala-Martial Law na pamamaraan ng kontra-drogang operasyon katulad ng Oplan Tokhang at kamakailang nangyari sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila noong Agosto 11. Dito, ginamitan ang mga residente ng pag-sona (zoning) o pagsara/ pagkordon sa buong barangay, at pagtipon sa lahat ng kalalakihan.

Laganap umano ang ilegal na pag-aaresto at pagtratong suspek silang lahat.

Bagong talagang NCRPO Chief Gen. Debold Sinas (kaliwa), at ang pinalitan niyang si Gen. Guillermo Eleazar (kanan) sa turnover ceremony kamakailan. <b>NCRPO PIO</b>

Bagong talagang NCRPO Chief Gen. Debold Sinas (kaliwa), at ang pinalitan niyang si Gen. Guillermo Eleazar (kanan) sa turnover ceremony kamakailan. NCRPO PIO

Kontra-insurhensiya sa masa

May pumipihit na nakakabahalang sitwasyon sa Kamaynilaan, ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao.

Habang tumitindi ang paglaban ng mga mamamayan para sa karapatan sa maayos na pabahay at kabuhayan, tumitindi rin ang pag-atake sa kanilang mga komunidad at mga organisasyon at indibidwal na aktibong nagsusulong sa mga karapatang ito.

Imbes na harapin at tugunan ng administrasyong Duterte ang kaliwa’t kanang hinaing ng mga mamamayan sa Metro Manila, kanyang pinakawalan ang isang kontra-insurhensiyang prog-ramang Implan Kalasag o Implementation Plan Kalasag

Nakapaloob ang planong ito sa pambansang programa ng kontra-insurhensiya na Oplan Kapanatagan. At dahil giyera ang tuntungan ng programang kontra-insurhensiyang ito, nagmimistulang nasa giyera ang malalaking lungsod sa Metro Manila kung saan naroroon ang malalaking laban ng mga komunidad sa mga planong demolisyon ng gobyerno.

Narito ang tanong-sagot hinggil sa bagong pangyayaring ito.

Bakit nagkakampo ang militar sa Camanava?

Isa sa pinakamahirap na distrito ng Metro Manila ang Camanava.

Dahil sa daungan at mga pabrika, maraming bilang ang nakatirang mga manggagawa at mala-manggagawa. Malaki rin ang bilang ng informal settlers, mga mamamayang naghihintay na matanggap sa trabaho sa mga pabrika at daungan.

Tampok ang Camanava area sa mga lugar na nilagyan ng proyektong Build, Build, Build ni Pangulong Duterte. Ang NLEX Harbour Link ng Segment 10, isang 8.25-kilometrong, apat na lane na nakataas na expressway na nagdudugtong sa MacArthur Highway sa Karuhatan, Valenzuela City, Radial Road 10 ng (R- 10) Navotas City, dadaanan ang Malabon at Caloocan patungong daungan sa mga piyer ng Metro Manila.

Maraming komunidad ang tinamaan ng proyektong ito. Maraming bilang ng kabahayan ang sinira upang magbigay-daan sa konstruksiyon ng haywey na ito na nagbunsod ng malaking bilang ng mga mamamayang sapilitang pinalikas, naging informal settlers sa ilang komunidad pa.

Kilala rin ang Camanava sa kasaysayan ng mga komunidad sa Metro Manila na may malalakas na laban ng manggagawa sa pabrika at mga komunidad sa demolisyon.

Galing sa Joint Task Force- National Capital Region (JTF-NCR) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pumasok na mga militar.

Ayon sa website nito, JTF-NCR ang bahagi ng militar na “inatasang labanan ang terorismo-insurhensiya at umakto bilang suportang mga yunit sa Philippine National Police (PNP)-NCR sa pagmamantine ng peace and order sa Metro Manila.”

Kasama umano ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng PNP at iba pang ahensiya tulad ng Departament of Interior and Local Government (DILG) na namamahala sa mga baranggay, ang mga militar ng JTF ang mamamahala sa implementasyon ng Oplan Kalasag sa Metro Manila.

Ano ang Implan/Oplan Kalasag?

Nilagdaan ng mga pulis at militar ang Implan Kalasag noong Marso 18 bilang tugon sa panawagan ni Duterte na sugpuin na ang “terorismo-insurhensiya” sa buong bansa sa pamamagitan ng “whole-of-nation” na pamamaraan o ang paggamit ng lahat ng instrumento ng estado para sugpuin ang insurhensiya.

Ibig sabihin, insurhensiya na idinidikit sa terorismo, ang pangunahing nakikitang problema sa Metro Manila ng administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng plano, na tatagal hanggang Disyembre 31, 2022, ang dalawang panig ay magsasagawa ng magkasanib na seguridad, kapayapaan at kaayusan at operasyon ng suporta sa pag-unlad upang talunin ang lahat ng mga grupo ng pagbabanta at mga elemento ng kriminal, kabilang ang mga insurhensiya ng komunista.

Sa Metro Manila, ang pinagdudahan ng Joint Task Force na mga komunista ang progresibong mga organisasyon tulad ng Kadamay, Gabriela, Bayan Muna, Kabataan Party-list at Anakbayan at mga lider-aktibista ng mga komunidad sa pamamagitan ng direktang pag-aakusa sa kanila bilang mga prente ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army sa kalunsuran.

Kasagsagan ng kampanya noong eleksiyon nang makita sa Metro Manila ang mga polyeto at posters na nagsasabing mga prente ng NPA ang progresibong mga organisasyon. Sa pamamagitan ng mga serye ng posts sa Facebook ng isang undersecretary ng DILG, napag-alaman na ang DILG mismo ang pangunahing nagpapakalat ng mga disimpormasyon na ito.

Nagsasagawa ang mga militar ng mga porum sa mga eskuwelahan at komunidad kung saan direkta nilang pinapangalanan ang progresibong mga organisasyon bilang mga prente ng NPA.

Ang mga kilalang lider ng Kadamay at Gabriela sa komunidad ang karaniwang pinapatawag ng mga militar sa barangay para kausapin at aluking mag-ulat tungkol sa iba pang lider ng mga organisasyon.

Ano ang Oplan Kapanatagan at Whole of Nation Approach?

Pinapartikularisa ng Implan/Oplan Kalasag sa Metro Manila ang nilagdaang Executive Order 70 ni Duterte noong Disyembre 4, 2018, ang pagbubuo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng “whole-of-nation” approach.

Ang EO70 ay nagbabalangkas ng “whole-of-nation” na pamamaraan para sugpuin ang insurhensiya. Kabilang dito ang paglulunsad ng lokal na mga usapang pangkapayapaan imbes na pambansang sakop, paggamit sa mga sibilyang institusyon o mga ahensiya ng gobyerno bilang parte ng estratehiyang militar, at iba pang pamamaraang gumagamit ng kumbinasyong opensibang militar at “diplomatiko” para sa kontra-insurhensiya.

Matingkad na ekspresyon nito ang pagpapangibabaw ng sektor ng seguridad at militar sa pamamahalang sibilyan.

Nagiging matingkad ang papel ng sandatahang lakas at ng security and intelligence sector sa pagdesisyon paano tugunan ang mga pakikibaka ng mga mamamayan sa kanilang karapatan at hinaing laban sa administrasyon ni Duterte.

Layunin ng kontra-insurhensiya na gawing ilegal at ikriminalisa ang mga napaglaban na nating mga karapatan – pag-oorganisa, pagtitipon, pagbubuo ng mga union, pagpoprotesta at maging ang pagpapatalsik ng isang tiwaling presidente. Makikita ito sa paggamit nila sa husgado at Department of Justice para magsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga lider ng progresibong mga organisasyon. Makikita rin ito sa mga panggigipit sa mga organisasyong legal, katulad ng pag-aakusang prente sila ng NPA at pagkuwestiyon sa pinanggagalingan ng kanilang mga pondo.

Ginagamit na instrumento din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philhealth ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya sa sektor ng pagbibigay ng serbisyong sosyal para kontra-insurhensiya. Nag-aalok sila ng mga panandaliang “livelihood projects” at cash benefits mula P25,000 hanggang P80,000, upang pahupain ang mga pakikibaka ng mga tao para sa lupa, trabaho at iba pang karapatan.

Sa mga probinsiyang mayroong presensiya ng NPA, kasabay ng mga all-out war at pambobomba sa komunidad, nagsasagawa din ang AFP ng sapilitang pagsuko sa mga sibilyan sa komunidad sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (Eclip). Tinitipon ang mga residente sa komunidad, binibigyan ng lektyur hinggil sa mga kasamaan ng komunismo, pinapapirmahan ng forms, pinapasumpa sa watawat ng Pilipinas, kinukuhanan ng litrato at inuulat na mga NPA surrenderee.

Layon nito na ibaling ang mga hinaing ng mga mamamayan laban sa mga katiwalian at korupsiyon ng gobyerno, mapaminsala at anti-mamamayang programa, paniniil sa mga karapatan sa pamamagitan ng pananakot sa mga mamamayan sa banta ng komunismo.

Ano ang mga nilalabag na karapatan ng mga mamamayan sa Implan/Oplan Kalasag?

Bahagi ng pagbabanta, panggigipit at pananakot (threat, harassment and intimidation) ang pakikipag-usap ng mga militar sa mga lider-aktibista ng progresibong mga organisasyon at pagkampo sa kanilang mga komunidad.

Porma ng interogasyon ng militar ang pakikipanayam sa mga lider-aktibista na naglalayong makakuha ng impormasyon sa kanila, tratuhin silang “sumuko sa gobyerno” sa pamamagitan ng pagtakwil sa organisasyon at pagturo pa ng ibang kilalang lider.

Ang “red-tagging” ay pag-aakusa na may ginagawang krimen ang mga lider-aktibista – mga lider-manggagawa, lider ng mga homeowners association, lider ng kabataan, kababaihan at iba pang sektor – sa tuwing sila’y nagpupulong, nag-oorganisa at nagsasagawa ng mga protesta.

Katulad na lang sa seminar sa pabrika ng Millenium Legacy Aluminum Corporation sa Valenzuela City noong Hunyo 27.

Dito, tahasang sinabi ng AFP sa pamumuno ng isang Major Carino at ng PNP na huwag daw mag-unyon ang mga manggagawa dahil makakasira lang ito sa pabrika at sa kanilang mga trabaho. Nagpalabas din ang AFP at PNP ng maikling bidyo na pinamagatang “Welga”. Sa bidyong ito, pinalalabas na ang mga unyon diumano’y “prente” lang ng rebeldeng mga grupo partikular ng Kilusang Mayo Uno.

Noong Hulyo 4, aabot sa 13 hanggang 15 sundalo lulan ng isang 6×6 trak ang nagpunta sa Camarin High School at nagsagawa ng forum at film showing na nagdadawit sa mga organisasyong Gabriela, Kadamay, Anakbayan, Bayan Muna sa komunismo pati na rin ang kasamaan ng CPP at ni Jose Maria Sison, punong konsultant pampulitika ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Noong araw ding iyon, naganap naman sa Malabon ang pagsarbey ng mga miyembro ng Philippine Marines sa mga residente ng Bgy. Catmon. Sa pamumuno ng nagpakilalang Sgt. Chona Gamaru, nagbanggit ang mga sundalo na alam nilang may nakatirang mga miyembro ng NPA sa Catmon, partikular kung sa opisina ng Kadamay at Gabriela sa may dumpsite ng Bgy. Catmon.

Noong Hulyo 22, muling binisita ni Sgt. Chona ang dumpsite at sinabing huwag sumali ang mga miyembro sa malaking kilos-protesta noon sa Commonwealth ng United People’s SONA (State of the Nation Address).

Noong Hulyo 25, pinatawag naman ng nagpakilalang Sgt. Molina si Marlen Oryales, sektretarya ng Pamakay, asosasyon ng homeowners sa Bgy. Tala ng Caloocan City. Kilala ang organisasyong Pamakay na miyembro ng Kadamay na kilalang lumalaban sa tangkang mga demolisyon sa kanilang lugar. Nagbigay ng form ang mga sundalo at nagsabing bibigyan ng livelihood ang mga sasagot sa form.

Noong Hulyo 26, bumalik ang mga militar sa may Robes, Camarin, Bgy. 175. Nagpalabas sila muli ng dokumentaryo na nagdidiin sa progresibong mga organisasyon bilang prente ng CPP-NPA. Namahagi muli ang mga sundalo ng form at sinabing sagutan ito ng nagboluntaryong mga tanod at pinangakuan ng livelihood ang mga tanod.

Welga ng mga manggagawa ng Regent Foods Corp., pinagbantaan ng mga pulis. <b>Defend Job PH</b>

Welga ng mga manggagawa ng Regent Foods Corp., pinagbantaan ng mga pulis. Defend Job PH

Ano pa ang ibang porma ng banta sa mga mamamayan?

Mayroon din mga banta sa buhay ng mga lider-manggagawa at lider-komunidad.

Noong Hunyo 27, nakatanggap ng mensahe ng pagbabanta sa kanilang mga buhay sina Richard Maghuyop at Jayson Manansala mula kay “John Castillo” at “Lu Pin”, kapwa mga fake account sa Facebook at Messenger.

Si Maghuyop ang unang tumayong pangulo ng unyon at si Manansala naman ang kasalukuyang ikalawang pangulo ng unyon sa Millenium Legacy Aluminum Corp.

Ang insidente ay nangyari matapos na magsagawa ng seminar sa loob ng kanilang pabrika ng ang manedsment kasama ang AFP at PNP sa pangunguna ni Police Major Carino.

Mga militar sa isang sibilyang lugar sa Intramuros. Larawan mula sa FB page ng <b>Joint Task Force NCR</b>

Mga militar sa isang sibilyang lugar sa Intramuros. Larawan mula sa FB page ng Joint Task Force NCR

Sa ilalim ng pasistang pamumuno ni Duterte, ano ang naging mga tampok na paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan ng Camanava?

Camanava ang isa sa mga pinaglunsaran ng madugong Oplan Tokhang ni Duterte.

Tampok sa pinakamadugong mga insidente ay nangyari sa Caloocan City mula 2016 hanggang 2018. Tinambakan ng police checkpoints ang mga lugar ng Camanava, at nagsasagawa ng madudugong reyd ang mga pulis sa mga komunidad at mga extrajudicial killing.

Sa Caloocan City, mariing tinutulan ng mga mamamayan ang mga pagtatayo ng police checkpoints na arbitraryong pinahihinto, kinakapkapan ang mga motorista at mga pasahero.

Noong Setyembre 2017, sinibak ng noo’y NCRPO chief Gen. Oscar Albayalde ang buong 1,200-puwersa ng kapulisan ng Caloocan City kasunod ng kontrobersiyal na pagpatay sa mga tinedyer na sina Kian Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, Reynaldo de Guzman, at Lenin Baylon noong nakaraang taon. Sa Malabon naging tampok naman ang mga pagpatay sa mga dati nang sumuko sa mga pulis na mga drug addict.

Ang Oplan Tokhang at ang mga sumunod na bersiyon nito, katulad ng Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang Reloaded, ay nagsilbing pamamaraan ng gobyerno para bigyan-katwiran ang paglabag sa karapatang pantao katulad ng pagpatay gamit ang rasong “nanlaban,”, walang pakundangang pamamaril sa mga komunidad, pagsagawa ng zoning sa mga komunidad, pagtatay ng mga checkpoints at pag-aresto.

Karamihan sa mga pamilya ng biktima ng Oplan Tokhang ay nanggaling sa Caloocan City. Binuo nila ang Rise up for Life and for Rights, isang koalisyon ng mga pamilya na ang mga anak o mahal sa buhay ay hinawakan at pinatay ng pulisya ng rehimeng Duterte dahil pinaghihinalaang sila’y adik. Nagsasagawa sila ng mga porum na nagpapalaganap ng karapatang pantao sa mga lugar na pinaglunsaran ng Oplan Tokhang.

Malaki ang naging tulong ng simbahan sa Camanava, lalo na ang simbahan ng Caloocan City kung saan ang Obispo nitong si Pablo Virgilio David ay isa sa mga kritiko ng Oplan Tokhang.


Featured image: Artwork na pinamagatang ‘Impyerno sa Langit Nila’ ni Luigi Almuena/Ugatlahi
Viewing all 129 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>